Lolit Solis: "Dapat ba akong matakot sa banta ni Patrick?"

Apr 27, 2007
"Kung si Mikey Arroyo nga na anak ng presidente ng Pilipinas hindi ko inurungan, siya pa kaya?" says Lolit Solis about a report that Patrick Garcia's family is planning to sue her.


Hindi na-bother ang Startalk co-host at talent manager na si Lolit Solis nang malaman nito ang balak ng pamilya ni Patrick Garcia na idemanda siya. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, sinabi ni Manay Lolit na handa niyang harapin ang anumang kaso na dulot ng mga sinabi niya laban sa aktor sa kanyang radio program sa DZRH. Matatandaang kahapon ay sinabi ni Manay Lolit sa ere na "bakla" si Patrick at may kaugnayan ito sa isang lalaking tumatakbo sa eleksiyon ngayon.



Nag-ugat ang galit ni Lolit kay Patrick nang bastusin diumano ng young actor ang staff ng Startalk na nagpunta sa set ng Super Twins para interbyuhin siya.



Ang katwiran ni Lolit, walang karapatan si Patrick na bastusin o maltratuhin ang mga maliliit na manggagawa, tulad ng Startalk staff. Kung hindi pa raw siya nagsalita laban kay Patrick sa Startalk noong nakaraang Sabado, April 21, baka hindi pa nag-apologize ang young actor sa staff na hiniya niya.

Continue reading below ↓



"Dapat ba akong matakot sa banta ni Patrick? Kung si Mikey Arroyo nga na anak ng presidente ng Pilipinas hindi ko inurungan, siya pa kaya?" ani Lolit nang hingan siya ng PEP ng reaksiyon.



A few years back, si Mikey ang naka-engkuwentro ni Lolit nang minura ng presidential son sa loob ng Santuario de San Antonio ang veteran Startalk reporter na si Jopay Mañago.



Matunog na "P...i... mo Jopay!" ang sinabi ni Mikey kay Jopay pagkatapos ng live-feed interview sa kanya ni Lolit sa Startalk.



Binyag ng anak ni Mikey nang araw na 'yon at may live coverage ang Startalk mula sa simbahan. Minasama ni Mikey ang pagtatanong sa kanya tungkol sa rumored relationship nila noon ng isang sexy comedienne.



Nangatal si Jopay sa sobrang kahihiyan dahil hindi niya inaasahan na mumurahin siya ni Mikey sa loob ng simbahan. Nagsumbong si Jopay kay Lolit, at dala ng galit ng huli, inaraw-araw nito ang pagbatikos kay Mikey sa kanyang radio program at tabloid columns.

Continue reading below ↓



To this day, hindi na tumatanggap si Lolit ng Christmas gift mula kay Mikey dahil, kahit nagkapatawaran na sila, hindi niya malimutan ang pagkawalang-galang ng presidential son sa isang babae na mas matanda sa kanya. Si Jopay ang field reporter na nagset-up ng interbyu ni Mikey kay Lolit na nasa studio.



Babae rin ang staff member ng Startalk na diumano'y binastos ni Patrick. Para kay Lolit, mali raw ang ginawa ni Patrick dahil kahit maliliit na manggagawa sa telebisyon ang staff, karapatan din nila na igalang at itrato nang mabuti ng mga artista.



Ayon kay Lolit, kung hindi raw nagsumbong ang staff member at hindi siya nagalit, posible raw na nakalampas na lang basta ang pambabastos ni Patrick sa pobreng tauhan ng Startalk.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung si Mikey Arroyo nga na anak ng presidente ng Pilipinas hindi ko inurungan, siya pa kaya?" says Lolit Solis about a report that Patrick Garcia's family is planning to sue her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results