Lino Cayetano still mum about his relationship with KC Concepcion

Apr 27, 2007
"So hindi rin fair na porke't may advantage ako sa dine-date ko, or dahil sa hitsura ko, I get more attention. I guess it's just fair to all who work hard behind the camera na doon lang din ako pumuwesto," says Lino Cayetano in avoiding questions about KC Concepcion.


Pinagkaguluhan halos lahat ng entertainment press si Lino Cayetano, the director behind the first StarStruck of GMA-7 and Anghel Na Walang Langit of ABS-CBN, sa Imperial Palace Suites kagabi, April 26. Dumating si Direk Lino with his sister, Senator Pia Cayetano, sa naturang press con, na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa hotel na kanyang pagmamay-ari. Suportado ng Regal Films matriarch ang kapatid nina Lino at Pia na si Congressman Alan Cayetano, na ngayo'y tumatakbo bilang senador under the Genuine Opposition (GO).



Naitanong kay Direk Lino ang tungkol sa first movie niyang ididirek under Star Cinema, na magsisimula na ang shooting this Monday, April 30, with Gerald Anderson and Kim Chiu as lead stars.



Ayon kay Direk Lino, nakapag-bonding na raw siya sa kanyang mga artista.

"I've spent a lot of time na with Kim and Gerald. Last week, nag-bonding kami. Nag-bike kami na magkakasama. Natapos na yung successful soap nila [Sana Maulit Muli], so they are now preparing for the movie," nakangiting pahayag ni Lino.

Continue reading below ↓



"I'm very excited kasi dedicated sila sa movie. Naka-focus silang dalawa ngayon in making a good movie and to elevate their performance. Sabi ko nga sa kanila, sa bawat gawin nila, ibang level na yun, e. Napakaganda ng nagawa nilang soap, na katatapos lang, and now that they are making a movie, they can make a new experience for themselves at sa mga manonood."



Matapos nito ay idinagdag ni Lino, "Pero ayoko po sanang masyadong pag-usapan ang pelikulang gagawin namin dahil nakakahiya naman." Ang tinutukoy niya ay si Mother Lily na nagkaloob ng press con para sa kanyang kapatid at nagmamay-ari ng Regal Films na kakumpetensiya ng Star Cinema.



KC Concepcion. Nang may magsimulang magtatanong kay Direk Lino tungkol kay KC Concepcion, nakitang napakagaling niyang umiwas sa topic at umiwas sa pagbitiw ng katugunan sa anumang tanong na ibato sa kanya.



Nagsimulang pumutok na may namamagitan kina KC at Lino nang iniulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagla-lunch nila sa Tagaytay at pag-a-out-of-town nila diumano sa Boracay. Maging ang sinasabing pagsunod ni Lino kay KC sa Hong Kong bago ito bumalik ng Paris para mag-aral ay pinagpiyestahan ng media at fans.

Continue reading below ↓



When asked kung kumusta na sila ni KC, paiwas na sinabi ni Lino na, "Ay, thank you, thank you, thank you po sa inyong lahat," sabay ngiti at hakbang papasok na sa loob ng function hall ng Imperial Palace Suites.



Ganunpaman, nag-follow-up question pa rin ang PEP kung bakit ganoon na lang ang pag-iwas ni Lino na pag-usapan ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.



"Marami kasing interesting na buhay kaysa sa akin," sagot niya. "Hindi naman ako suplado. Ayoko lang talagang pinag-uusapan ang buhay ko."

Paliwanag ng bunsong anak ng yumaong Senador Rene Cayetano, "Talagang mahiyain lang ako. Hindi mahilig sa harap ng kamera. Gusto ko lang ma-focus ang attention sa work na ginagawa ko. Kaming mga direktor, mga writer... ang dami sa amin, sa atin, na hindi napapansin because we work behind the camera.



"So hindi rin fair na porke't may advantage ako sa dine-date ko, or dahil sa hitsura ko, I get more attention. I guess it's just fair to all all who work hard behind the camera na doon lang din ako pumuwesto. Kasi, I think, more attention should be given to their work."

Continue reading below ↓



Sa kabila ng pag-iwas ni Lino na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni KC, humirit pa rin ang entertainment press ng isang tanong: Ano nga ba talaga ang status ng relasyon nila?



"Ay, sori! Kailangan na? Sorry, sorry," patay-malisya pa rin niyang sagot, na kunwari ay may tumatawag na sa kanya sa loob para pumasok.



Kuya Kiko. During the open forum, patuloy pa ring dine-deadma ni Lino ang anumang mga pasaring ng entertainment press regarding his lovelife. Pero hindi na nakaiwas sumagot ni Lino nang tanungin kung, sa election daw bang ito, mag-ii-straight GO vote siya. Ang kapatid kasi niyang si Congressman Alan Cayetano ay nasa GO ticket, ngunit ang stepfather ni KC, si Senator Francis Pangilinan, ay tumatakbo as an independent candidate.



"Yes, iboboto ko si Kuya Alan, and yes, definitely, iboboto ko si Kuya Kiko! At hindi ko lang po siya iboboto, ikakampanya pa!" may diin at pagmamalaki niyang tugon.

Continue reading below ↓



Hindi pinalampas ng entertainment press ang pagtawag niya ng "kuya" kay Kiko. Bakit daw niya ito tinatawag na animo'y kapamilya siya?



"Kasi po, kaibigan ni Ate Pia si Kuya Kiko, kaya masasabi ko po na una ko po siyang nakilala bago ang sinumang member of his family, like Ate Sharon and KC. Naku, napasagot akong bigla dun, ah!" natatawang hirit din niya bilang pangwakas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"So hindi rin fair na porke't may advantage ako sa dine-date ko, or dahil sa hitsura ko, I get more attention. I guess it's just fair to all who work hard behind the camera na doon lang din ako pumuwesto," says Lino Cayetano in avoiding questions about KC Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results