Aya Medel happy with her life now

Apr 28, 2007
Aya Medel says everything in her life is falling into place. The girl she describes as "ang itim-itim" and "Papaya Queen" is now a proud mom and a businesswoman. Aya is glad that she's able to secure a better life for her family in Tabaco, Albay, and she's presently working on giving her daughter the best kind of life a mom can give.

Walang problema para sa nagbabalik na sexy star na si Aya Medel, na gaganap bilang ina ng SexBomb Girl na si Rochelle Pangilinan sa 15th season ng Daisy Siete na "Isla Chikita."

Ayon kay Aya, hindi naman daw siya mapili sa role kahit na noong kasikatan niya bilang isang sexy star. Natutuwa lang si Aya dahil naalala siya ng mga taga-Focus E na siyang producer ng naturang afternoong TV drama series.

"Nagpapasalamat ako kay Ate Joy [Cancio] at sa manager kong si Tita Geleen [Eugenio] dahil nabigyan ako ng chance ulit na makabalik sa acting. Hindi naman ako choosy. Basta trabaho, okay sa akin. Na-miss ko rin ang acting, e, " sabi ni Aya.

Dagdag pa niya, "Alam naman siguro ng iba na okay naman ang buhay ko as a businesswoman and mother. Presently, nag-aaral ako to be a chef sa Center of Asian Culinary School (CACS). Gusto ko kasing magtayo ng restaurant or magtayo ng catering business, kaya serious ako sa pagpasok ko ng CACS. Kalahating taon na akong nag-aaral sa kanila, and 350 menus na ang alam kong lutuin."

Continue reading below ↓

Four years old na ang baby girl ni Aya na si Shania Ishi Hayukawa. Divorced na si Aya sa ama ng kaniyang anak na si Yoji Hayukawa, isang 35-year old Japanese businessman.

"Kahit na divorced kami, we're still good friends," nakangiting sabi ni Aya. "Mas okay nga ang relasyon namin kesa noong kasal kami. Mas marami pa kaming away noon kesa sa nagkakasundo kami. Kung kailan kami naghiwalay, doon pa kami nagkahulihan ng ugali."

Aniya pa, "Ang maganda naman kay Yoji ay hindi niya pinapabayaan ang anak namin. He makes it a point na nasa Manila siya every month. Tulad ngayon na gusto niyang magtayo ng bagong negosyo, parati na siyang nandito ngayon. Kaya nga madalas ko siyang kasama sa KTV bar namin sa Makati Avenue, yung Napoleon."

Hindi nga akalain ni Aya na mababago pa ang buhay niya. Simple lang kasi ang mga pangarap niya sa buhay, pero ngayon ay sobra-sobra ang biyayang natatanggap niya.

Continue reading below ↓

Salaysay niya, "Sa simula pa lang, ang goal ko ay ang tulungan ang pamilya ko sa Tabaco, Albay. Kaya ako nag-artista para makaipon. Sino ba naman ang mag-aakala na sisikat ako noon, e, ang itim-itim ko? Ang boobs ko lang talaga ang panlaban ko at ako lang ang tinaguriang Papaya Queen noon, ‘di ba.

"Ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nalagay sa ayos ang buhay ko at ng pamilya ko. Nakakilala ako ng mabait na asawa na kahit na hiwalay na kami, walang nabago sa pagtingin niya sa akin at sa anak niya," pagtatapos na ni Aya.

Si Aya ang isa sa pinakasikat na sexy stars noong late ‘90s. Ilan sa memorable films na nagawa niya ay Ang Babae sa Bubungang Lata (1998), Serafin Geonimo: Ang Kriminal ng Barrio Concepcion (1998), at Sisa (1999).

Read Next
Read More Stories About
Aya Medel, Daisy Siete
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aya Medel says everything in her life is falling into place. The girl she describes as "ang itim-itim" and "Papaya Queen" is now a proud mom and a businesswoman. Aya is glad that she's able to secure a better life for her family in Tabaco, Albay, and she's presently working on giving her daughter the best kind of life a mom can give.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results