Kim Chiu is starstruck with Vic Sotto

Apr 28, 2007
Young actress Kim Chiu was introduced to comedian Vic Sotto at the awards night for Box-Office King & Queen. Kim was so shy, it prompted Malou Choa-Fagar (not in photo) to say, "Namumula si Kim."


Marami ang natuwa kay Kim Chiu sa awards night ng Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), na ginanap noong April 25 sa RCBC Theater. Nakita kasi nilang tila unaffected pa rin ang Pinoy Big Brother Teen Edition winner sa popularidad na tinatamasa niya ngayon.



Ayon sa isang PEP source, na kasama sa produksiyon ng naturang awards night, naaliw ang mga taga-GMMSF sa nakitang kainosentehan at pagiging fan ni Kim.



Nauna raw kasing dumating sa venue si Kim at hindi nito kasabay ang ka-loveteam na si Gerald Anderson. Ang dalawa ang hinirang ng GMMSF bilang Most Promising Loveteam dahil sa tagumpay ng katatapos nilang soap opera sa ABS-CBN, ang Sana Maulit Muli.



Nang malaman daw ni Kim na sa likuran nila mauupo ang Box-Office King na si Vic Sotto, halatang-halata raw ang tuwa ng dalaga. Umiral daw ang pagiging fan ng young actress nang nag-react ito ng: "Talaga po? Si Vic Sotto? Wow!"

Continue reading below ↓



Nang malaman ng taong nag-assist sa kanila na hindi pa personal na magkakilala sina Vic at Kim, nagboluntaryo raw itong ipapakilala ang dalawa.



Kuwento pa ng aming source, nang dumating si Vic, kasama ang lady boss ng Eat Bulaga! na si Malou Choa-Fagar, ipinakilala nga si Kim ng nag-assist dito sa bagong-dating na komedyante.



Nang magkakilala na ang dalawa ay medyo hinihiritan na rin ng simpleng biro ni Vic si Kim. May instances pa raw na sa halip na Kim Chiu ang itawag ni Vic ay "kimchi" (isang Korean delicacy) ang kanyang sinasabi.



Habang nagaganap ang mga eksenang ito, obvious daw na nahihiya si Kim. Napansin ito ni Ms. Malou kaya sinabi nitong "namumula na si Kim."



Nakakatuwa nga raw tingnan na ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 ay magkakasama noong gabing yun. Kahit sa loob lamang ng isang gabi ay tila nawala ang network war.

Read Next
Read More Stories About
Kim Chiu, Vic Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Kim Chiu was introduced to comedian Vic Sotto at the awards night for Box-Office King & Queen. Kim was so shy, it prompted Malou Choa-Fagar (not in photo) to say, "Namumula si Kim."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results