Joross Gamboa on his sexy photo: "Wala namang malisya roon."

Apr 28, 2007
"Wala naman akong nakikitang masama sa picture. Kasi ano ba ang masama kung naka-boxer? E, ang dami ngang naka-briefs sa EDSA na may billboards. Ang sa akin naman, boxer lang," says Joross Gamboa about this photo.


Nagkaroon ng pagkakataon ang (PEP) Philippine Entertainment Portal na makausap ang young actor na si Joross Gamboa sa ABS-CBN compound last April 26. Ayon sa produkto ng Star Circle Quest at isa sa cast member ng Rounin, nandoon daw siya sa ABS-CBN for a meeting.

Hiningan namin ng reaksiyon si Joross tungkol sa kumakalat na litrato niya sa gay Internet sites, na lumabas na rin dito sa PEP. Nakita na raw ng young actor ang naturang picture kung saan naka-boxer shorts siya.



Ayon kay Joross, "Wala lang naman yun. Picture ko yun noong mag-judge kami sa Laoag. Kasama ko ring nag-judge noon si Jason Abalos. ‘Yan din yung time na nakita ko si President Gloria Macapagal-Arroyo at nagpa-picture pa nga ako sa kanya.



"Wala lang talaga yun. Ako pa ang nag-picture nun sa sarili ko. Tinitingnan ko lang kung nag-improve ba yung katawan ko. Hindi ko na nga matandaan kung nai-text ko ba yun or nailagay ko sa My Space ko.

Continue reading below ↓



"Wala naman akong nakikitang masama sa picture. Kasi ano ba ang masama kung naka-boxer? E, ang dami ngang naka-briefs sa EDSA na may billboards. Ang sa akin naman, boxer lang."



Nagbiro pa si Joross na kaya raw yun lumabas ay baka sakaling may gustong kumuha sa kanya na maging endorser ng boxer shorts.



"Okay lang naman yun. Unang-una, wala namang masama sa boxer shorts. Kung brief, yun siguro ang hindi pa talaga!" natatawa niyang sabi.



Para kay Joross, wala naman daw anumang offensive or malaswa sa picture niya.



"Unang-una, hindi naman nakalabas ang dila ko. Hindi naman nang-aakit ang mata ko. Wala namang malisya roon!" tawa ulit niya.



Hindi ba siya nagalit or na-offend na lumabas ang picture niya at kumakalat sa gay Internet sites?



"Hindi," sagot niya. "Kasi kahit naman sa SCQ Reload noon, may eksena pa kami sa swimming pool na naka-trunks ako. Yung tungkol sa gay site, wala naman akong magagawa roon. Isipin na lang natin na, at least pala, may napapasaya naman ako kahit sa hindi sinasadyang paraan."

Dahil sa lumabas na picture ni Joross, nabuhay ulit ang pag-e-encourage sa kanya ng ilang entertainment press na magpa-sexy na rin, gaya ng kanyang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Roxanne Guinoo. Ano ang masasabi niya rito?



"Kahit ano, depende," medyo nalilito niyang sagot. "Ako naman, even before pa na nagsisimula pa lang ako, open naman ako. Hindi ko naman kinu-close ang anumang possibilities kasi artista naman ako. Hindi naman pupuwedeng makuntento ka lang sa iisang character. Pero siguro lang, huwag muna ngayon. Unang-una, kailangan ko ring mag-improve pa ng katawan dahil wala pa naman akong maipapakita."

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala naman akong nakikitang masama sa picture. Kasi ano ba ang masama kung naka-boxer? E, ang dami ngang naka-briefs sa EDSA na may billboards. Ang sa akin naman, boxer lang," says Joross Gamboa about this photo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results