Aljur Abrenica admits crying over Kris Bernal

Apr 28, 2007
While they were still in StarStruck, Aljur Abrenica (left) and Kris Bernal (right) were very close. But when Kris was paired with Mart Escudero (not in photo), Aljur worked on putting a stop to his feelings for Kris.


The last time nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica ay isiniwalat niya kung hanggang saan umabot ang nararamdaman niya para sa female Ultimate Loveteam winner na si Kris Bernal.

Inamin ni Aljur sa PEP na iniyakan niya si Kris noong ongoing pa ang competition nila sa StarStruck. Nangyari raw ang kanyang pag-iyak noong nasa Tagaytay sila.

Ayon kay Aljur, umiyak daw siya dahil na-realize niyang may mga nasabi siya at naipahayag na nakasakit ng damdamin ni Kris. Habang nasa biyahe sila pabalik ng Maynila ay umiyak sa loob ng sasakyan si Aljur nang walang nakakakita. Maging si Kris man ay umiyak sa mga sinabi ni Aljur ngunit ginawa niya ito on-cam, habang ini-interview siya ng staff ng StarStruck.

Ayon kay Aljur, si Kris pa lang ang pangalawang babaeng iniyakan niya. Ang una raw ay ang ex-girlfriend niya sa Pampanga.

Bagama't naka-move on na siya sa nararamdaman niya para kay Kris, inamin ni Aljur na hindi yun naging madali para sa kanya. Inisip na lang niya na kailangan niyang magparaya dahil nga may iba nang ka-loveteam si Kris sa katauhan ni Mart Escudero.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Aljur, inisip niya lang daw ang kapakanan ni Kris. Kung eeksena pa raw kasi siya ay baka makasira siya sa career nito. Isa pa, alam niya at tanggap niyang mas masaya ngayon si Kris bilang kapareha ni Mart.

In love siya noon kay Kris, pero diretsahang sinabi ni Aljur na ngayon ay hindi na. Although may nararamdaman pa siya para sa dalaga, alam ni Aljur na magiging mahirap kung itutuloy pa niya ito.

Magkasama sina Aljur at Kris sa kauna-unahang programa ng StarStruck Batch 4 graduates sa GMA-7, ang The Boys Next Door. Strictly professional na lang ang kanilang pagsasama dahil si Mart ang ka-partner dito ni Kris.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While they were still in StarStruck, Aljur Abrenica (left) and Kris Bernal (right) were very close. But when Kris was paired with Mart Escudero (not in photo), Aljur worked on putting a stop to his feelings for Kris.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results