Jean Garcia shifts from drama to comedy

Apr 28, 2007
"Siyempre, alam nyo naman na ang forte ko ay drama, kaya medyo nanibago talaga ako rito. Napatunayan ko rin dito na talaga palang mas mahirap magpatawa kaysa magpa-iyak," says Jean Garcia about her comedy role in GMA-7's Who's Your Daddy Now?.


Enjoy si Jean Garcia sa bago niyang TV project sa GMA-7 na Who's Your Daddy Now?, na tinatampukan din nina Joey Marquez, Raymart Santiago, Paolo Contis, Alynna Asistio, Julia Lopez, at Ms. Celia Rodriguez. Ang Who's Your Daddy Now? ang pumalit sa sitcom na Lagot Ka Isusumbong Kita.

Aminado ang dramatic actress na naninibago siya dahil first time niyang nagkaroon ng regular sitcom. Sa kabila nito, ipinangako naman niyang naiibang Jean ang mapapanood dito ng televiewers.

"Before, pa-guest-guest lang kasi ako sa mga iba't ibang sitcoms, e. Pero yung regular, ngayon lang talaga ako nagkaroon. Kaya naman happy ako na binigyan nila ako nito dahil naiiba ang ganitong klase ng show. Napakalaking bagay itong ginawa sa akin ng GMA-7. Imagine, naisip nila akong isama rito," panimulang pahayag ni Jean nang dalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Who's Your Daddy Now? sa Filmex Studio, Makati City last April 25.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Jean, "Siyempre, alam nyo naman na ang forte ko ay drama kaya medyo nanibago talaga ako rito. Napatunayan ko rin dito na talaga palang mas mahirap magpatawa kaysa magpa-iyak.

"Lagi nga akong natatawa sa taping namin dahil puro mga kalog ang kasama ko rito. Kaya kung napapansin nyo, lagi akong nagtatago sa anggulo ng camera every time na hindi ko mapigil ang pagtawa ko. Minsan, tumatalikod na lang ako sa camera para hindi masira yung eksena.

"Kapag naumpisahan ko na kasing tumawa, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tuluy-tuloy na ‘yon, kahit kaunting bagay lang ay talagang bubunghalit ako ng tawa. And ayoko namang mangyari 'yon dahil nakakahiya sa mga kasamahan ko."

Kilala bilang isang mahusay na dramatic actress at ngayon ay nagpapatawa na rin, may dream role pa ba si Jean na gusto niyang gampanan?

"Hindi ko alam kung may dream role pa ako na gustong gampanan," sabi niya. "Pero yung role na hindi ko pa talaga nagagampanan, meron. Yung mala-Brokeback Mountain, o love story ng parehong sex, hindi ko pa nagagawa yun. Pero hindi ko alam kung makakaya kong gawin ang ganung klase ng role.

"Kahit sino pang aktres ang i-partner nila sa akin, hindi ko alam kung kaya ko. Siguro kapag talagang may offer sa akin na ganyan, pag-iisipan ko. Pero as of the moment, kapag inisiip ko, parang talagang hindi ko pa kaya."

Sabi pa ng award-winning actress, "Yung kissing scene nga with a guy, mahirap na ‘yon, e. Yun pa kayang kissing scene with the same sex? Mas mahirap para sa akin ang ganitong klase ng role. Pero depende talaga sa project kung gaano kaganda at ka-challenging ito. Siguro kapag dumating ito, ihahanda ko muna ang aking sarili."

Read Next
Read More Stories About
Jean Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre, alam nyo naman na ang forte ko ay drama, kaya medyo nanibago talaga ako rito. Napatunayan ko rin dito na talaga palang mas mahirap magpatawa kaysa magpa-iyak," says Jean Garcia about her comedy role in GMA-7's Who's Your Daddy Now?.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results