Lolit Solis and Patrick Garcia: Peace at last!

by Nerisa Almo
Apr 29, 2007
"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay," says Patrick Garcia about Lolit Solis.

Tuluyan nang nagkapatawaran sina Lolit Solis at Patrick Garcia. Matatandaan na nagpakita ng galit ang Startalk host na si Lolit laban kay Patrick noong nakaraang Sabado, April 21.

Nagsimula ang galit ni Lolit sa binatang aktor nang malaman niyang pinagsarahan ni Patrick ng pinto ng kotse ang isang staff ng Startalk sa set ng Super Twins. Nilinaw din ni Lolit na naka-schedule naman ang interview at pinagpaalam ito sa mga kinauukulan.

Lubos naman itong ipinagpaumanhin ni Patrick. Ayon sa kanya, "You know, that action wasn't called for. Kumbaga, I admit mali 'yon. In fact, hindi ko sila masyadong nakita but, you know, I apologize."

Humingi na rin ng tawad si Patrick sa mismong staff na si Baby Briones at sa lahat ng bumubuo ng Startalk. Aniya, "Now I apologize to Ms. Baby [for] that time because medyo inaantok ano noon. And maybe I wasn't also in the mood.

"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay."

Continue reading below ↓

Samantala, buong-puso namang tinanggap ito ni Lolit. Sabi pa niya, "Okay naman sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nag-apologize siya sa atin sa Startalk at bati na sila ni [Baby Briones]."

Dagday ng Startalk host, "Ngayong bati na sila, nagpapasalamat ako kay Patrick at naging mapagkumbaba siya, nag-sorry siya sa akin, nag-sorry siya kay [Baby], at sana nga wala nang maging kasunod pa."

Alinsunod nito, humingi na rin ng tawad si Lolit kay Patrick at pati na sa mga mga magulang nito. Aniya, "Patrick, kung sakali man na nabigla ang parents mo na idedemanda ako, ako na ang humihingi ng apology sa 'yo kung anuman ang nasabi ko."

Sa taped interview ni Patrick sa Startalk, sinabi ng binatang aktor na hindi pa niya nakakausap ang kanyang mga magulang tungkol sa usap-usapang magsasampa sila ng kaso laban kay Lolit. Gayuman, hinihiling ng aktor, "Sana hindi na lumaki [ang isyu]."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"'Nay Lolit, I hope everything will be okay now. I've said my piece, my side, and I have nothing against you or Startalk. I hope everything will be okay," says Patrick Garcia about Lolit Solis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results