Judy Ann laughs off rumor that Ryan contracted STD

by Dinno Erece
Apr 30, 2007
"Walang STD si Ryan, wala rin akong STD," says Judy Ann Santos about a blind item that clearly points to Ryan Agoncillo as a TV host-actor that was hospitalized because he had a sexually transmitted disease.


Pinagtatawanan na lang ng magkasintahang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang tsismis na STD (sexually transmitted disease) diumano ang dumapo kay Ryan.

Before Ryan celebrated his birthday this month, he contracted an airborne virus that caused serious rashes on his face and whole body. On the eve of his birthday, April 9, he was rushed to Asian Hospital for treatment. Sa hospital room na nga lang siya binisita ng mga kaibigan at pamilya niya to celebrate his birthday.

Dinapuan din si Juday ng said airborne virus, but not as serious as her boyfriend's, although kinailangan niya pa ring magpa-check-up. Hanggang ngayon, nag-a-antibiotic pa rin siya. Si Ryan naman ay nagpapa-blood check every other day. Pero sabi ni Juday, okay na raw ang boyfriend niya.

Isang blind item naman ang kumalat kamakailan about a TV host-actor who supposedly contacted STD and was rushed to the hospital. Si Ryan lang ang TV host-actor na naospital recently, so obviously siya ang tinutukoy sa blind item. Nabasa na raw ito nina Juday at Ryan at imbes na magalit, pinagtawanan na lang nila ito.

Continue reading below ↓

"Walang STD si Ryan, wala rin akong STD," nakangiting sinabi ni Juday sa harap ng press at TV crew during the wedding-anniversary press con of Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan thrown by Mother Lily Monteverde of Regal Films last night, April 29, at Imperial Palace Suites.

"Airborne virus ang dumapo kay Ryan, mga doctors na ang nagsabi nito. Ako rin actually nadapuan, pero mas malala ang kay Ryan dahil nag-body rash siya at nahirapang huminga.

"Okay na kami pareho, pero I'm still in antibiotics dahil sabi ng doctor ko, seven to fourteen days dapat akong uminom para mawala totally ang virus. Si Ryan naman, every other day nagpapa-blood check up pa rin," kuwento ni Juday.

Dinaan na lang ni Juday sa tawa ang tsismis na may STD ang kanyang kasintahan.

"Magagalit ang mga advertisers!" natatawa niyang sabi, referring to the product endorsements she has now.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang STD si Ryan, wala rin akong STD," says Judy Ann Santos about a blind item that clearly points to Ryan Agoncillo as a TV host-actor that was hospitalized because he had a sexually transmitted disease.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results