Sharon answers issues about Lino, Susan, and Vilma

by Ambet Nabus
Apr 30, 2007
Megastar Sharon Cuneta answers issues thrown at her by the entertainment press about Susan Roces, Lino Cayetano, and Vilma Santos, during the press con and party hosted by Mother Lily Monteverde.


Binigyan ng press con cum party ni Mother Lily Monteverde ang mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta kagabi, April 29, sa Imperial Palace Suites. Nag-celebrate kasi sila ng kanilang 11th wedding anniversary noong April 28, kaya't nagdesisyon ang Regal matriach na maging "wedding coordinator" siya ng nasabing okasyon.

Complete with flowers and wine and doves ang nasabing party at ikot nang ikot si Mother para asikasuhin ang entertainment press na inimbita niya.

Tuwang-tuwa si Sharon sa paglilitanya niya ng lahat ng mga accomplishments ng sampung magkakapatid na Pangilinan, na bukod sa pawang mga mahuhusay na nagtapos sa University of the Philippines, ay nagkakaisa para bigyan ng suporta ang asawang tumatakbo uli sa pagka-senador.

"I really need to tell you what kind of family my husband has, since it is now my family that I can call my own too. Magkakapamilya, magkakapuso, lahat nagbibigkis-bigkis," sabi ng Megastar.

Ang naturang angkan nina Kiko ay kumpleto sa nasabing okasyon at muling nagpakita ng pagkakaisa sa hinaharap na laban ng senatorial candidate.

Continue reading below ↓

Mother Lily. Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Shawie kay Mother Lily na kahit kailan daw ay hindi naman siya pinagkakitaan kahit piso. Never pang lumabas sa Regal si Sharon, and yet, isang tunay na anak ang turing sa kanya ng Regal matriarch. Sinagot naman siya ni Mother na pahintulutan siyang gawin silang mag-asawa na "adopted son and daughter" at si Sharon bilang isang "Regal baby."

Samantala, marami ring nilinaw si Shawie sa nasabing okasyon.

Lino Cayetano. Una, nagpahayag siya ng pasasalamat sa gesture ng magkakapatid na Cayetano—Alan Peter, Pia, at lalo na kay Lino. Si Lino ang rumored boyfriend ng anak ng Megastar na si KC Concepcion.

Textmates naman pala sina Sharon at Lino. Aliw na aliw raw ang Megastar sa young director dahil marespeto at magalang itong lalaki.

"Kahit naman siguro sinong ina ay gugustuhing nirerespeto ang anak nila ng sinumang lalaki. There's nothing not to like on Lino naman. Ako nga lang ang medyo nadiyadiyahe na itanong kay Kays [KC] kung ano na ba talaga [sila ni Lino]," sabi ng Megastar.

Continue reading below ↓

Vilma Santos. Nilinaw rin ni Sharon na hindi niya kailanman narinig o nabalitaan na "kinabog" na niya si Mayor Vilma Santos dahil silang mag-asawa ay pangalawang beses nang binigyan ng press con ni Mother Lily, habang ang tumatakbong governor ng Batangas ay wala. Kung tutuusin ay malaki maituturing na ring Regal baby si Ate Vi dahil sa dami ng pelikulang ginawa niya sa film outfit ni Mother Lily.

"Naku po, ayokong mag-commnent diyan! I love Ate Vi very dearly. Kung meron mang dapat na sumagot sa isyung iyan, dapat si Mother Lily mismo o si Ate Vi. At tsaka, hindi ko po talaga naririnig o nababalitaan na may ganyang intriga," sagot ni Shawie.

Ipinaliwanag ni Sharon na kung maluwag lang daw talaga ang iskedyul niya sa pangangampanya, tiyak na tiyak na lulusob siya sa Batangas para ikampanya si Mayor Vi.

Ano naman ang reaksyon niya sa E-VAT issue na laging ibinabato ng mga taga-movie industry sa mister ni Ate Vi na si Senator Ralph Recto?

Continue reading below ↓

"Mahal na mahal ko si Ate Vi. Mahal ni Kiko si Senador Ralph. Isang malaking isyu ang E-VAT. Ayoko na lang magkomento pa dahil baka mabigyan ng ibang kulay. Kapag ganitong mga panahon, kahit ano na lang, puwedeng ipukol o gawing isyu," pag-iwas ng Megastar.

Susan Roces. Hindi rin aware si Sharon sa isyu ng hindi pagbibigay ng endorsement ni Susan Roces, maybahay ng yumaong si Fernando Poe Jr., kina Kiko at Mayor Vi. Naitanong pa ng isang kasama sa panulat kung ano ang reaksiyon ng Megastar sa sinabi diumano ni Susan, na kaya hindi nito magawang iendorso sina Mayor Vi at asawa ni Sharon ay dahil hindi naman siya close sa mga ito.

"Mahirap pong magkomento sa isang bagay na hindi natin alam ang gist ng kuwento. Pero base sa sinasabi mong endorsement, may pinanggalingan naman ang statement ni Ms. Susan Roces. Totoo namang hindi siya close sa asawa ko dahil hindi niya nga ito kilala. Ako naman, masasabi kong mas naging malapit ako sa yumaong si FPJ. Our friendship is way beyond our being co-workers in the movies. Nirerespeto ko ang pahayag na iyan kung sakaling ganun nga ang essence kaugnay ng endorsement item," paliwanag ni Sharon.

Continue reading below ↓

Judy Ann Santos. Espesyal din ang pasasalamat na ipinahayag ni Shawie sa magkarelasyong sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

"Si Sis [Juday] ay tunay kong pinasasalamatan. Hindi ko po talaga ugali kahit na noong una pa man na humingi ng tulong sa aking mga kaibigan sa industriya. Pero natutuwa ako na ang gaya nina Juday ay nagprisinta para tulungan sa kampanya ang asawa ko.

"I have nothing but thanks, super sincere, talaga sa ginawa nina Juday. Sinabi sa akin ni Tatay Alfie [Lorenzo, manager ni Juday] kung ilang milyon ang nawala katumbas ng ginawa para sa amin nina Juday. Hindi ko kayang ipaliwanag yun at matumbasan ng anuman dahil wala naman kaming ganung kalaking halaga para ibayad sa isang Judy Ann Santos. Mahal na mahal kita, Sis!" sabi ni Sharon tungkol kay Judy Ann, na naroon noong gabing yun.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta answers issues thrown at her by the entertainment press about Susan Roces, Lino Cayetano, and Vilma Santos, during the press con and party hosted by Mother Lily Monteverde.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results