Pia Guiano: No more sexy pictorials for men's magazines

Apr 29, 2007
"Ipaubaya na lang natin ‘yan sa mga bagets, di ba? I'm not getting any younger and I feel na nagawa ko na ang lahat ng ‘yan," says Pia Guanio about her decision never to pose again for sexy magazines.


Hindi na raw papayag si Pia Guanio sa mga sexy pictorials para sa cover ng men's magazines. Napagdesisyunan na ng host ng Showbiz Central na hindi na siya sasabak pa sa mga pictorials na sobrang sexy.



"Ipaubaya na lang natin ‘yan sa mga bagets, di ba?" tawa ni Pia. "I'm not getting any younger and I feel na nagawa ko na ang lahat ng ‘yan. Naging cover na ako before ng FHM at UNO. I did pictorials for bathing suits last year. I think tama na ‘yon."



Dagsa raw kasi ang offers kay Pia para maging cover ng sexy magazines ngayong summer. Okay lang daw sa kanya kung fashion spread ng bathing suit sa isang lifestyle or women's magazine, pero kung men's magazine ay hindi na raw talaga puwede.



Ani Pia, "Iniisip ko rin kasi ang image ko sa TV ngayon. I do Eat Bulaga! and 24 Oras on a daily basis. I have Showbiz Central and Ang Pinaka... on Sunday naman. Kumbaga, the whole week, I am working, at napapanood ako sa TV. Gusto ko naman ay may respect sa akin ang mga tao, lalo na ang mga bagets. If they see me doing sexy poses sa isang men's magazine, iba na ang tingin sa iyo.

Continue reading below ↓



"Nakakahiya rin naman sa bosses ko sa Eat Bulaga!, GMA news department, at QTV 11 kung mag-explain pa ako why I did that sexy magazine cover. Kaya better huwag na lang. I can do fashion spreads, pero hindi na sexy pictorials. Para kina Angel Locsin, Iwa Moto, at Angelica Panganiban na lang ang mga ganyan."



Wala bang kinalaman ang boyfriend niyang si Vic Sotto sa desisyon niyang huwag nang tumanggap ng sexy pictorials?



"Ay, wala naman!" sambit niya. "Gusto nga niya ‘yon kasi proud siyang makita na sexy ang girlfriend niya! It's my decision and I'm happy with it."

Read Next
Read More Stories About
Pia Guanio, Vic Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ipaubaya na lang natin ‘yan sa mga bagets, di ba? I'm not getting any younger and I feel na nagawa ko na ang lahat ng ‘yan," says Pia Guanio about her decision never to pose again for sexy magazines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results