Lorna Tolentino says Rudy Fernandez has food cravings

by Julie E. Bonifacio
Apr 30, 2007
"Para siyang naglilihi ngayon, mapili siya sa pagkain. Ang kini-crave niya ngayon, yung sinigang na ulo ng maya-maya, pero kulay puti, huh! O, di ba, parang naglilihi talaga?" says Lorna Tolentino about her husband Rudy Fernandez's latest favorite food.


Kailan lang noong huling nag-update ang grand slam actress na si Lorna Tolentino sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng mister niyang si Rudy Fernandez. Matatandaang na-diagnose si Rudy na mayroong periampullary cancer.

Ayon kay LT that time, maayos pa rin naman daw ang kanyang mister. Except sa regular check-up at chemo ni Daboy, nagba-boxing pa ang aktor sa gym sa ibaba ng kanilang bahay.


Muling nakausap ng PEP si Lorna sa grand opening ng 13th branch ng Forever Flawless sa Bacoor, Cavite, kahapon, April 29. Dito niya ibinalita na bumaba ang hemoglobin count ni Daboy dahil sa sobrang lakas ng gamot na tini-take ng aktor. Dahil dito kaya medyo maputla raw ngayon si Daboy. (According to MediceNet.com, hemoglobin is "the oxygen-carrying pigment and predominant protein in the red blood cells. Hemoglobin forms an unstable, reversible bond with oxygen.")

"Bumaba ang hemoglobin niya at blood count niya through infection. Kaya hindi siya pwedeng lumabas-labas dahil baka mahawaan siya," sabi ni Lorna.

Continue reading below ↓



"Bawal din ang matamis sa kanya kasi baka tumaas ang blood sugar niya. Para siyang naglilihi ngayon, mapili siya sa pagkain. Ang kini-crave niya ngayon, yung sinigang na ulo ng maya-maya, pero kulay puti, huh! O, di ba, parang naglilihi talaga?"



Nag-i-insulin daw si Daboy sa umaga at sa gabi, plus nagti-take ng kalahating Diamicron. Bumabawi rin daw ng lakas si Daboy sa pamamagitan ng pagtulog sa hapon. Bukod dito, maaga rin daw matulog ngayon ang action star sa gabi. Ang insulin at Diamacron ay parehong gamot para i-treat ang diabetes.



"Iniba na rin ang araw ng pagki-chemo sa kanya," sabi ni Lorna. "Like, yung last, ika-4th week niya, dapat rest niya yun. Ngayon, sa ika-3rd week na siya nagre-rest, tapos sumunod na week yung chemo niya."

Ayon kay Lorna, ang huling labas ni Daboy ay noong Sabado, April 28. Nag-dinner daw sila through the invitation of Andrea Bautista, kapatid ni Senator Bong Revilla, para sa birthday ng paborito nilang designer na si Paul Cabral.

Continue reading below ↓



Tuloy pa rin daw ang pagpunta nila sa Japan. Ito ay sa kabila ng minsan nang na-airport-to-airport si Daboy kasama ang dati nitong asawa na si Alma Moreno. Usually daw kasi ay blacklisted na sa immigration ng Japan ang may ganung kaso.



"Maiisyuhan naman siguro kami ng visa. Kasi si Ate Ness [palayaw ni Alma], naka-ilang balik na doon," sabi ni LT.



Samantala, nagulat naman si Lorna nang tanungin siya ng PEP tungkol sa movie na gagawin niya with Senator Jinggoy Estrada and Maja Salvador. Gusto raw kasing gumawa ng pelikula ni Jinggoy para sa December filmfest. But at press time, walang maibigay na libreng schedule ang kampo ni Maja para sa shooting.



"Paano mo nalaman yun?" nagtatakang tanong ni Lorna. "Last option lang ako doon. Kapag wala silang makuha na ibang artista, ako na yung kukunin nila. Siyempre, pag si Jinggoy ang nag-alok ng movie sa akin, alangan naman na singilin ko pa siya for my talent fee? Hindi na namin pag-uusapan ‘yon."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lorna Tolentino, Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Para siyang naglilihi ngayon, mapili siya sa pagkain. Ang kini-crave niya ngayon, yung sinigang na ulo ng maya-maya, pero kulay puti, huh! O, di ba, parang naglilihi talaga?" says Lorna Tolentino about her husband Rudy Fernandez's latest favorite food.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results