Katrina Halili has a new suitor!

by Maricris Valdez-Nicasio
Apr 30, 2007
PEP accidentally discovered that Katrina Hallili has a new suitor when flowers arrived for the sexy young actress during a taping of Lupin. PEP photographed the sexy actress with a male friend at Aria restaurant in Boracay last Holy Week. Can this fellow be the rumored suitor?


May bagong manliligaw si Katrina Halili. Ito ang natiyak ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang may dumating na isang bilaong pancit at bouquet of flowers para sa young sexy actress sa taping ng Lupin last April 27 sa may Quezon City.

Noong una ay itinatanggi pa ni Katrina ang ukol dito at sinabing siya ang nagpabili ng pancit dahil gusto niya raw kumain nito. Bugbog kasi sa pagda-diet ngayon ang young sexy actress para mapanatili ang kanyang sexy figure, kaya natatakam daw siyang kumain ng pancit.

Ukol sa bulaklak, ngiti lang ang isinagot niya sa pag-uusisa ng PEP. Pero nang amin siyang kulitin, "Galing po yung flowers sa non-showbiz friend ko. And yung pancit, nagpabili lang po talaga ako dahil gusto kong kumain ng pancit," palusot ni Katrina.

Kahit pagod sa matitinding eksena at puyatan, tila hindi nawawala ang energy ni Katrina sa pagtatrabaho. Inusisa uli namin siya kung ang rason ba ng pagiging inspirado niya sa pagtatrabaho ay ang bago niyang suitor.

Continue reading below ↓

"Hindi po, kayo talaga!" nakatawang hirit niya. "Ako naman po kasi, kapag trabaho, trabaho talaga. Kailangan kong magtrabaho nang mabuti dahil marami akong pangarap sa buhay. Wala pa akong time sa boys kaya hataw muna tayo sa trabaho."

Ayaw mang ilahad ni Katrina ang pagkikilanlan ng bagong suitor, isa lang ang tiyak—ito'y hindi taga-showbiz.

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP accidentally discovered that Katrina Hallili has a new suitor when flowers arrived for the sexy young actress during a taping of Lupin. PEP photographed the sexy actress with a male friend at Aria restaurant in Boracay last Holy Week. Can this fellow be the rumored suitor?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results