Angel Locsin starting to be a headache for GMA-7?

Apr 29, 2007
A tabloid report came out saying that Angel Locsin is beginning to be a problem of GMA-7 because she has begun accepting other projects outside the Kapuso Network. But a GMA-7 executive defends the young actress by saying, "Hindi naman totoo na naging sakit ng ulo namin si Angel... Si Angel naman, kapag nag-commit na ‘yang magtrabaho, kahit hindi na 'yan matulog, okay lang sa kanya."


May lumabas na report sa isang tabloid na wala raw utang na loob si Angel Locsin sa GMA-7. Ayon sa report, nagiging sakit na raw kasi siya ng ulo ng Kapuso Network dahil mahirap na siyang i-schedule sa trabaho. Inuuna pa raw nito ang ibang commitments, tulad ng political endorsements at ang pagsu-shooting ng kanyang unang production venture with her manager Becky Aguila, ang pelikulang Angels.

May unsolicited advice pa na dapat daw ay hindi makalimutan ni Angel na ang GMA-7 ang nagbigay sa kanya ng malaking break. Baka raw itong pagpapabaya niya sa mga assignments sa GMA-7 ang maging dahilan ng pagbagsak niya. Tandaan daw ni Angel na maraming artistang naghihintay rin ng kanilang time na mai-build-up ng Kapuso Network.

Nagtanong-tanong ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang issue kay Angel. Si Ms. Redgie Acuña-Magno, production manager ng Asian Treasures, ang nagpaliwanag sa issue, na aminadong medyo ikinagulat niya.

Continue reading below ↓

"Hindi naman totoo na naging sakit ng ulo namin si Angel," pagtanggi ni Ms. Redgie over the phone. "Puwedeng may time na nagkaroon ng problema sa schedule, pero nagawan naman ‘yon ng paraan ng production. At si Angel naman, kapag nag-commit na ‘yang magtrabaho, kahit hindi na 'yan matulog, okay lang sa kanya."

Paliwanag pa ni Ms. Redgie, "Yung pagsu-shooting ng movie niya, ipinagpaalam naman niya ‘yon sa amin. At tapos na ‘yon, malapit na rin silang mag-showing. Dahil sikat si Angel, hindi mo maiaalis na marami talagang offers na dumarating sa kanya, kahit nga mga political endorsements and commitments. Ngayon lang naman ‘yon, malapit na ang election, wala na rin ‘yon [pagkatapos ng Mayo]."

Kinumusta rin namin kay Ms. Redgie ang taping ng Asian Treasures, kung saan katambal ni Angel si Robin Padilla.

Ayon kay Ms. Redgie, "Tuluy-tuloy pa rin ang taping. Kung minsan, halos every day ang taping namin. Nag-iipon kasi kami ng mga episodes na iiwanan pagpunta namin sa China sa May 21. Thirteen days kasi kami doon. Dapat ay sa May 8 kami pupunta, pero election sa May 14. Mahirap umalis, at hindi kami makababalik agad, kaya nag-move na lang kami ng date. Uunahin namin ang Macau, then sa Beijing.

Continue reading below ↓

"Bago umalis for China, magti-taping na muna si Angel. Baka silang dalawa lang ni Diana [Zubiri], sa Coron, Palawan. Nakapag-ocular na kami roon kaya wala nang problema. Makakabalik kami bago mag-showing si Angel ng kanyang movie sa June 13."

Matatapos na ang Asian Treasures sa June kaya tinanong namin si Ms. Redgie kung may kasunod na bang proyekto si Angel sa GMA-7 pagkatapos nito.

"Of course, may kasunod na ‘yon," paniniguro ni Ms. Redgie, pero tumanggi siyang idetalye kung ano ang naturang project.

Pero from a very reliable source, napag-alaman ng PEP na isang straight drama ang gagawin ni Angel pagkatapos ng Asian Treasures. Malayo ito sa mga telefantasya at action-adventure series na ginagawa ni Angel para sa GMA-7.

Nangako kami sa aming source na hindi muna namin sasabihin kung anong project ‘yon at kung sino ang makakasama ni Angel. Pero tiyak daw na by June ay sisimulan na ang bagong soap opera ni Angel, na iba naman ang makakatambal niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, Asian Treasures
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A tabloid report came out saying that Angel Locsin is beginning to be a problem of GMA-7 because she has begun accepting other projects outside the Kapuso Network. But a GMA-7 executive defends the young actress by saying, "Hindi naman totoo na naging sakit ng ulo namin si Angel... Si Angel naman, kapag nag-commit na ‘yang magtrabaho, kahit hindi na 'yan matulog, okay lang sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results