Cristine Reyes admits big crush on Luis Manzano

IMAGE 0


"I'm very, very thankful na nanood talaga siya. It's one of those things na nakakapagpataba ng puso," says Luis Manzano after learning that Cristine Reyes watched his movie, Ang Cute ng Ina Mo.


Naging blockbuster ang huling pelikula ni Luis Manzano, ang Ang Cute ng Ina Mo, kung saan nakasama niya sina Ai-Ai dela Alas at Anne Curtis. Isa nga sa mga nanood nito ay ang young actress na si Cristine Reyes, na talent ng GMA-7. Ayon sa isang panayam, pinanood daw ni Cristine ang nasabing pelikula dahil sa malaking crush niya kay Luis.

Nang hingan ng reaksiyon si Luis tungkol dito, hindi niya itinago ang appreciation niya kay Cristine. Sa katunayan, hinihintay na lang ni Luis na makuha ang number ng kapatid ni Ara Mina para mapasalamatan niya ito.



"I'm very, very flattered," nakangiting sabi ni Luis sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last April 29. "Compared sa ibang mga kaibigan ko na hindi pa nga nanonood. I'm very, very thankful na nanood talaga siya. It's one of those things na nakakapagpataba ng puso.



"Sabi nga, pinabigay daw ni Cristine yung number niya. Pag umabot sa akin, I would gladly text her. Magte-text talaga ako para mag-thank you. She's very, very pretty and nakikita ko siya araw-araw sa napakalalaking billboards niya kasama ang ate niya. Di ko pa siya nakikilalala and nakakausap. But sabi ko nga, there's always room and life for new friends."

Kung tutuusin, kung dati'y kilala lang siya as the son of Vilma Santos and Edu Manzano, ngayon ay nakabuo na ng sarili niyang identity sa show business si Luis. He has turned out to be a very good TV host and a competent actor, na walang duda na namana niya sa kanyang mga magulang.

Hindi man niya tunay na ama, close din si Luis sa kanyang stepfather na si Senator Ralph Recto, na ngayon ay tumatakbo for re-election. Kabi-kabila ang pagbatikos na nakukuha ni Sen. Recto dahil sa E-VAT Law o expanded valued added tax, na siya ang may-akda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ilang mga taga-industriya, patuloy na namamatay ang pelikulang Pilipino dahil sa napakamahal na materyales sa paggawa ng pelikula dulot ng E-VAT. Damay rin dito ang ina ni Luis, na matapos maging Lipa City mayor ay tumatakbo ngayon bilang governor ng Batangas, dahil sa pagtatanggol nito sa asawang senador.

Kinunan namin ng pahayag si Luis tungkol sa mga batikos na natatanggap ng kanyang stepfather at maging ng kanyang ina.



"In terms of what E-VAT has done, makikita naman yung good effect niya. Saka kung walang E-VAT, di sana wala sa surveys si Tito Ralph, wala siya sa upper bracket. So it goes to show na may silbi talaga ang E-VAT. Some people may look at it na pabigat sa industriya, pero we do have to admit na maraming natutulungan ang E-VAT," depensa ni Luis.



"Ganun talaga pag pulitika, personalan naman talaga ‘yan. Kahit aminin man natin o hindi, aabot at aabot talaga sa personalan. Saka, I guess, may kanya-kanyang manok kasi. But definitely, just like any other voter, support whoever you believe in. Tao pa rin ang magde-decide," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN