Piolo Pascual: "Gusto kong maging pastor."

IMAGE 0


"With the many things I've achieved in life, my hunger is focused nowon my ministry rather than my work. I am already 30 and I've done somuch. The Lord has been very good to me and I am so blessed," says Piolo Pascual about his intention to become a pastor.



"Gusto kong maging pastor," pahayag ng premyadong aktor na si Piolo Pascual nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng pelikulang Paano Kita Iibigin na ginanap noong April 25 sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN building.

"If there's one thing that I really wanted to be, it's to be a pastor. I feel I have done many things in my showbiz career. I want to concentrate this time on my ministry so I can serve the Lord," sabi pa ni Piolo na kabilang sa Victory Christian Fellowship kung saan pinamumunuan niya ang isang maliit na grupo bilang bahagi ng kanyang ministry.

Pero hindi naman daw nangangahulugan ito na tatalikuran na ni Piolo ang kanyang showbiz career.

"But then, siguro naman may mga bagay na habang tumatagal puwedeng huwag mo nang gawin," pahayag ng aktor, na sinabi ring unang pumasok sa isip niya na maging pastor mga five years ago.

Hindi rin daw sinasabi ni Piolo na wala na siyang gustong ma-achieve sa kanyang showbiz career.

"I am not saying that I've done everything in my career but there some things that I need not do anymore or get back again just to prove myself. Masaya naman ako with what I have done and I am happy with what I have achieved so I think there would come a time I would slow and I would focus more on my ministry," wika niya.

He continues, "With the many things I've achieved in life, my hunger is focused now on my ministry rather than my work. I am already 30 and I've done so much. The Lord has been very good to me and I am so blessed. I started thinking about this when I was 25. I thought I should focus on other things, not only on my career."

Ano ang naging dahilan para maisip niya na magkaroon ng kakaibang focus sa kanyang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Too much success," sagot niya. "Well, other than the success, it's the blessings that the Lord has willingly given me. I was humbled by that. I consider myself nothing to be deserving of God's blessings. I realized I don't control my life so that was when I decided to give my life to the Lord, I realized I am not worthy to be receiving so much blessings from the Lord. I lead a sinful life. It's unfair that no matter how much the Lord blesses you, you still lead a sinful life. I don't feel worthy."

May maiinit na eksena sina Piolo at Regine Velasquez sa Paano Kita Iibigin under Star Cinema at Viva Films. Pero wala naman nakikitang masama si Piolo sa paggawa ng mga ganitong eksena dahil bahagi raw ito ng kanyang trabaho bilang aktor. Hindi raw ito taliwas sa kanyang religious beliefs.

"It's between me and God. Kung ano ang sinasabi ng ibang artists about this matter, nasa limitation nila iyan," paliwanag ni Piolo.

"I am not going bold o di naman ako gagawa ng frontal nudity, going naked. But when it comes to doing love scenes, it depends on how you handle the scene, or how it is executed by the director. I don't think the movie would suffer if the sexy scenes would be done tastefully. There's no need to show things that should not be shown."

Ganito rin daw ang kaso kung sakaling mahilingan siyang mag-pose ng sexy sa isang magazine.

"It depends if you want to do something. If you think you'd want to titillate your audience and attract attention, it's up to you. As for me, I will do what is asked of me, not to arouse the people, what is need for the particular campaign or photo shoot. But going sexy doesn't mean going naked," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Piolo na gusto pa rin niyang maabot ang general audience, kasama na ang mga bata kaya hindi siya lalagpas sa kung ano man ang nararapat pagdating sa paggawa ng isang sexy scene o love scene.

"Kung magpapakita kami nang hindi dapat ipakita, mas magiging less ang chance na makakuha ang pelikula ng GP rating," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN