Dingdong Dantes recalls shootout in San Carlos City

IMAGE 0


Dingdong Dantes was invited to crown the new Miss San Carlos City last April 28. Little did he know that the night would end in violence and that the incumbent mayor of San Carlos City would be fatally shot.



Nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng young actor/TV host/director na si Dingdong Dantes nang magpunta siya sa fiesta ng San Carlos City, Pangasinan, last Saturday, April 28.

Sa nasabing kasiyahan, binaril ang incumbent mayor ng San Carlos City na si Julian Resuello. Nadala pa si Mayor Resuello sa St. Luke's Hospital sa Quezon City ngunit binawian din siya ng buhay noong Lunes, April 30. Maliban kay Mayor Resuello ay nasawi rin ang kanyang civilian aide.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong, sinabi niyang napakabilis talaga ng mga pangyayari, lalo pa nga't dapat ay masaya ang nasabing okasyon dahil kokoronahan ang bagong Miss San Carlos City.

Nilinaw rin ni Dingdong na hindi siya nagpunta noong gabing yun sa San Carlos City para i-endorse si Mayor Resuello, kundi koronahan ang nanalong Miss San Carlos City. Si Resuello ay kandidato bilang vice-mayor ngayong May 14 elections, samantalang ang kanyang anak na si Julier Resuello ang siyang tumatakbo bilang mayor.



"Nagkataon lang talaga that I'm in the wrong place at the wrong time. I wasn't there for a raket or for endorsing the mayor. Nandoon ako for the coronation night ng Miss San Carlos. At the same time, parang ako na yung nag-represent for Senator Chavit Singson, since he's a close family friend. Hindi siya makakarating that time, kaya ako ang nahilingan na magpunta," paglilinaw ni Dingdong.



Ang kasama niya raw noong gabing yun ay ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki, ang kanyang PA (personal assistant), at isang security.

Ayon kay Dingdong, nang mangyari raw ang pamamaril ay halos kakatayo lang ni Mayor Resuello sa upuan nito, na katabi niya noon.

"Magkatabi kami actually sa upuan," sabi ni Dingdong. "Bale magsisimula pa lang talaga yung program. Kaya yung mga ipinapakitang footage sa TV, halos kami yung magkatabi. Pero noong minute na maganap yung shootout, tumayo siya noon at sinalubong niya yung ibang guests na dumating para kamayan. Yung layo ko from him, siguro mga 15 meters away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang nangyayari ang barilan, hindi raw kaagad pumasok sa isip ni Dingdong ang peligro sa harapan niya. Nang nagkakagulo na raw, doon lang siya tumayo at ang unang naisip ay ang safety ng nakababatang kapatid.



"Noong una, akala ko fireworks lang. Hindi agad nag-sink in sa akin yung nangyayari. After that, doon na pumasok yung, yung moment na yun, anything could happen. Like, you'll never know, may mga ligaw na bala pala, kahit ba sabihin mo na hindi naman talaga ikaw ang puntirya. Nagkataon lang talaga that I'm in the wrong place at the wrong time," kuwento pa ng young actor.



Ayon pa kay Dingdong, yung pader daw na malapit sa puwesto niya sa backstage ang naging shield niya kahit paano. Hindi rin naman daw niya masasabi kung paano mag-iingat sa mga pagkakataong ganito.

Ang nasabi na lang niya ay, "When you go there, you should expect that anything can happen, especially kung kampanya pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN