Dingdong inspires Karylle to compose songs

IMAGE 0


"Mabait talaga siya. Admittedly, nagulat din ako na sweet pala siya. Parang hindi mo ie-expect na sweet siya, pero sweet talaga siya," says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes.



After Encantadia, matagal bago nasundan ang acting job ni Karylle sa GMA-7. Ito ay ang isang episode para sa Magic Kamison, pero hanggang ngayon ay wala pang kasunod na proyekto ang young singer-actress.

Pero ayon kay Karylle, personal choice niya raw talaga na pagkatapos ng sunud-sunod na acting jobs ay ang singing career naman niya ang bibigyan niya ng prayoridad.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle over the phone, naikuwento niya na very busy siya sa third album niya. In fact, more than 10 songs na raw ang naku-compose niya. Ayon pa sa kanya, may ilang arrangers din daw siyang nakakatulong para sa mga composition niya.



Wish ni Karylle na puro compositions niya ang makasama sa bagong album, since her last album from Universal Records ay dalawa sa naisulat niyang kanta ang nakasama. Pero kung hindi man daw mangyari na sarili niyang compositions ang laman ng buong album, okay lang din daw sa kanya.



Hindi itinanggi ni Karylle na ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ang isa sa mga inspirasyon niya sa pagsusulat ng mga kanta.



"Basically, si Dong yung nakaka-inspire sa akin to write songs," sabi ni Karylle. "So, it's more on love songs. And then, feeling ko, nakatulong din nang malaki yung location ng indie film na ginawa ko, which is in Bacolod, dahil ang ganda ng place. So siyempre, mas masarap magsulat.

"It's one reason also kung bakit I limit some acting jobs. Kasi when you write songs, dapat mas focused at mas relaxed ka. Mas marami akong nagagawa pag ganoon. Patient naman ako, at sana nga, magbunga naman."

Ang tinutukoy na indie film ni Karylle ay ang Ligaw Liham, na entry sa Cinemalaya Film Festival.

Samantala, itinanggi naman ni Karylle na kaya hindi siya masyadong gumagawa ng soap operas ngayon ay dahil hindi na sila ni Dingdong ang pinagtatambal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman," ani Karylle. "Kaya nga ginawa ko yung indie film. Actually, hindi ko naman tinatalikuran yung soap opera. Kung may chance, okay lang. Pero sa ngayon, ang pina-prioritize ko talaga is my singing."

Sinabi rin ng anak ni Zsa Zsa Padilla na kung saka-sakaling itambal siya sa iba at magkakaroon ng kissing scene, malamang daw na hindi siya papayag.

"Parang hindi ko pa rin kaya na iba yung ka-kissing scene," natatawang pag-amin niya. "Hindi ko pa siguro masyadong napaghahandaan yung ganoong bagay. Kasi before, nagkakaroon din ako ng mga stage play, pero walang kissing scene. Even yung indie film na ginawa ko, wala rin.

"It's not that hindi ko magagawa or hindi ko kayang gawin yung ganoong scene with other actors. It's more, hindi ko pa lang siya napaghahandaan," paliwanag niya.

Last April 3 ay nag-celebrate sina Karylle at Dingdong ng kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan. Masasabi raw ni Karylle na very smooth at maayos ang kanilang relasyon sa loob ng dalawang taon.

"Mabait talaga siya. Admittedly, nagulat din ako na sweet pala siya. Parang hindi mo ie-expect na sweet siya, pero sweet talaga siya," papuri ni Karylle sa kanyang boyfriend.

"At saka, kaming dalawa, may mga na-figure out na rin kaming ways para kung may intriga or may something, ask na namin agad sa isa't isa. Okay lang kahit ina-assume mo na totoo yung bagay na yun, or narinig or nabasa mo, pero bigyan mo pa rin ng reason ang isa't-isa na mag-explain," aniya pa.

Ibinigay na halimbawa ni Karylle ang napabalitang lovers' quarrel nila ni Dingdong dahil mas naging priority diumano ng dalaga ang trabaho kaysa sa plano nila on her birthday. Lumabas ang balita rito sa PEP.

"Noong malaman kasi niya na nalaman ko na nagtampo siya, tinanong niya ako kung nagagalit daw ba ko. Sabi ko naman, hindi ako nagagalit. Parang nagulat lang na naikuwento niya yun. E, di ba, si Dong, parang hindi ka sanay na nagkukuwento?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, yun ang maganda sa relationship namin—very open. Saka kung may konting intriga or problema, we always talk about it," sabi ni Karylle bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN