Iwa Moto wants to focus on career after break-up

IMAGE 0


Fresh from a failed relationship, Iwa Moto wants to give full attention to her career. The young actress says she does not want to get involved with any guy right now.



Itinanggi ng StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na masugid niyang manliligaw ngayon ang tumatakbong congressman ng 2nd district ng Valenzuela City na si Wes Gatchalian.

Inamin ni Iwa na kilala niya at nakakasama niya ang naturang pulitiko, pero ‘yon ay dahil ini-endorse niya ang kandidatura nito. Ayon kay Iwa, trabaho lang daw ang madalas nilang pagsasama.

Ayon kay Iwa, ayaw raw muna niyang ma-involve kahit na sa sinong lalaki matapos ng break-up niya sa dancer na si Yexel Sebastian. Trabaho muna raw ang priority niya ngayon, lalo pa nga't hindi siya nababakante sa GMA-7.

Nabanggit din ni Iwa sa PEP na sana naman daw, for a change, mabigyan siya ng isang role na inaapi-api siya. Palagi raw kasing kontrabida roles ang napupunta sa kanya. Gusto rin daw maranasan ng young actress kung paano apihin sa harap ng kamera.

Nais din ni Iwa na mabigyan siya ng pagkakataon to portray a heavy drama role, kung saan masusukat daw talaga ang kakayahan niya sa pag-arte.

Nang tanungin naman tungkol sa bagong batch ng StarStruck, sinabi ni Iwa na magkakaibigan sila at halos para ng magkakapatid kung magturingan. Ang pinaka-close daw kay Iwa among StarStruck Batch 4 graduates ay sina Jewel Mische at Kris Bernal.

Hindi iniaalis ni Iwa ang katotohanang may kumpetisyon sa kanilang lahat, pero hindi raw nila yun pine-personal. Lahat naman daw sila ay nama-manage nang mabuti at nabibigyan ng trabaho ng Artist Center, ang talent arm ng GMA-7.

Isa sa mga bagong projects ni Iwa sa Kapuso Network ang guest stint niya sa "Prinsipeng Ibon" episode ng Mga Kuwento ni Lola Basyang, kung saan kasama niya sina Dion Ignacio, Pen Medina, at ang nagbabalik na sexy actor na si Anton Bernardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN