Angelu de Leon: "Hindi na ako mabobola ng mga lalake, 'no!"

IMAGE 0


"Pero no regrets, kasi sa mga mistakes na ‘yon, I was blessed with two beautiful and smart girls. Mga angels sila ng buhay ko," says Angelu de Leon about her two daughters, Nicole (right) and Lois (left).



Nakakatuwang makita si Angelu de Leon looking so good at mukha pa ring dalaga kahit na dalawa na ang anak niya. Nine years old na pala ang panganay niyang si Nicole, na anak niya kay Joko Diaz, at five years old naman ang bunso niyang si Lois, na anak niya sa isang young businessman.



Ayon kay Angelu, wala raw siyang boyfriend ngayon, pero may mga nanliligaw raw sa kanya na hindi taga-showbiz.



"I'm simply dating lang naman. I'm not seeing anyone permanently kasi mahirap na. I want to make sure na tama na yung next guy for me. I'm 27 years old na at hindi na ako mabobola ng mga lalake, no!" sabay tawa niya.



Aminado naman si Angelu na baliw siya sa pag-ibig, na kaya niyang ipagpalit ang lahat because of love.



Aniya, "Ganyan naman tayong lahat kapag hindi pa mature ang pag-iisip natin. Akala mo yung love, forever na, pero hindi naman pala. You get to realize that sa ending na lang. Kung kailan the damage has been done, doon ka lang matatauhan.



"Pero no regrets, kasi sa mga mistakes na ‘yon, I was blessed with two beautiful and smart girls. Mga angels sila ng buhay ko. Sila yung nagpapalakas sa akin when I am down. Sa kanila ko nakita na may pag-asa pa pala. I'm living not for myself but for them."



May balita pa ba siya tungkol sa ama ng panganay niya na si Joko Diaz?



"Ang huling alam ko, may wife and kids na rin siya at may barber shop siya sa Batangas. Ako naman, kahit na noong wala na kami ni Joko, siya pa rin ang ama ng anak ko. Every year, kapag birthday ni Nicole, nagpapadala ako ng imbitasyon. Pero hindi naman sila dumarating. I guess I have done my part na. Ayokong isipin nila na ipinagdamot ko si Nicole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"For nine years, wala naman silang narinig sa akin. Wala akong hiningi kay Joko kundi ang makilala niya ang anak niya. So far, wala pa rin, and Nicole naman isn't looking for him ngayon. Baka in the future, kapag teenager na siya, doon na niya hanapin ang ama niya," sabi ni Angelu.



E, ang kanyang bunsong si Lois, handa na ba si Angelu na i-reveal kung sino ang ama nito?



"As much as I want to, hindi puwede kasi medyo pribado ang pamilya nung guy," pag-iwas niya. "Baka kasi hindi nila matanggap, masasaktan lang ako for my daughter. It's better na rin na huwag nang malaman ng publiko, for the sake of my child.

"Napalaki ko naman siya nang maayos, okay na ‘yon. Siguro sasabihin ko na lang kay Lois kung sino ang ama niya when she's ready to understand everything. Sa ngayon, inosente pa ang baby girl ko kaya let's leave her na ganyan muna," paliwanag niya.



Samantala, ready to fall in love una raw ulit si Angelu. Gusto na rin daw niyang magkaroon ng third baby, pero sisiguraduhin daw niyang kasal na siya pag nangyari ito.



"Sa edad ko ngayon, a long and lasting relationship na ang hanap ko at hindi lang basta boyfriend. I want to get married someday. Dream ‘yan ng bawat babae, di ba? Siguro that will happen soon. Hindi ko lang alam kung kailan, basta alam kong it will happen to me very soon," asam pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN