Prince Stefan admits falling for Lovi Poe

IMAGE 0


"Hindi naman maiiwasan ng sinumang lalake ang magkagusto kay Lovi. Very sweet ang personality niya at marunong pang makisama. Kaya kung ma-in love ako sa kanya, hindi nakakapagtaka," says Prince Stefan about his loveteam partner, Lovi Poe.



Kahit wala pang regular show ang StarStruck Batch 4 First Prince na si Prince Stefan ay sunud-sunod naman ang kanyang guestings sa GMA-7.



Pinapares ngayon si Prince kay Lovi Poe at twice na nga silang nag-duet sa SOP. In fairness, bagay silang dalawa dahil parehong maganda ang mga boses nila. Idagdag pa ritong nagku-compliment ang looks nila—morena si Lovi samantalang tisoy naman si Prince.



Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Prince, sinabi niyang natutuwa siya dahil very close na sila ni Lovi. In such a short time daw na nakilala niya ang anak ng yumaong si Fernando Poe Jr., ang bait-bait at todo raw ang suporta nito sa kanya.



"Very thoughtful si Lovi at napaka-supportive," papuri ni Prince. "Lagi niya akong kinukumusta. Minsan, niyaya niya rin akong sumama sa mga lakad nila ni Yasmien [Kurdi]. Natutuwa ako kasi ang bilis ko siyang naging kaibigan. Ang bait-bait kasi niya, e."



So, nai-in love na ba siya kay Lovi?



"Parang ganoon na nga!" tawa ni Prince. "Pero nakakahiya namang sabihin kaagad ‘yon. Baka sabihin nagpapaka-showbiz na ako. Ako naman, kapag gusto ko ang isang tao, totoo ‘yon. Walang kaplastikan."



Paliwanag pa ng binatang tubong-Iloilo, "Hindi naman maiiwasan ng sinumang lalake ang magkagusto kay Lovi. Very sweet ang personality niya at marunong pang makisama. Kaya kung ma-in love ako sa kanya, hindi nakakapagtaka."



Paano na ang isa pa niyang crush na si Katrina Halili? Crush pa rin ba niya ang young sexy actress hanggang ngayon?



"Iba naman ang paghanga ko kay Katrina. Magkaiba sila ni Lovi. Pareho ko naman silang hinahangaan, e, kaya walang problema sa akin," ani Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN