Four "Pinoy Dream Academy" scholars suspended?

IMAGE 0


The Top 6 Pinoy Dream Academy scholars (seated, Yeng Constantino and Ronnie Liang; standing, Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, Chad Peralta, and Panky Trinidad) had their first US concert tour last month. But it could be their last! Irish, Jay-R, Panky, and Chad have reportedly been suspended by their management company.



Nakatanggaap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng unconfirmed report mula sa isang reliable source na suspended indefinitely ang Pinoy Dream Academy (PDA) scholars na sina Jay-R Siaboc, Irish Fullerton, Panky Trinidad, at Chad Peralta dahil sa pagiging pasaway diumano nila during their US concert tour nitong Abril. Kasama ng apat sina Yeng Constantino at Ronnie Liang sa nasabing concert tour.

Kung totoo nga ang balitang ito, nakakapanghinayang ang malaking chance na ibinibigay sa kanila ng Dream Big Productions (DBP), na pinamumunuan ng business-unit head nitong si Direk Laurenti Dyogi and director Jon Ilagan. Pero mukhang hindi na nga mapigilan ang paglabas ng totoong nangyari sa US concert tour nila, sa kabila ng pagtatakip ng kanilang management company.

Ayon sa isang PEP source, na may kinalaman sa DBP, ay pupunta dapat ang Top 6 PDA scholars sa Disneyland, ngunit hindi sumama sina Jay-R, Panky, Chad, at Irish. Sinabi diumano ni Irish—na taga-San Francisco, California— na hindi na sila mga bata para pumunta pa ng Disneyland. Sa halip, kung saan-saan lang sila nagpunta, gayo't maliban sa kanya, ang lahat ay first time pa lang nakapunta sa US.

Nag-dialogue naman daw si Panky na, "I don't need this shit thing. Mayaman kami sa Cebu!" Napag-alaman din ng PEP na magkasintahan pala talaga sina Panky at Chad, at two months na raw ang kanilang relasyon.

Balita pa na may relasyon din sina Irish at Jay-R. Kaya kawawa raw ang nali-link kay Irish na si Mark Bautista dahil lumalabas na iba pala ang gusto ni Irish.

Bukod dito, ayon sa aming source, nagdala pa raw sina Irish, Jay-R, Panky, at Chad ng mga beer sa hotel room nila sa San Diego, California. Nakarating daw sa hotel manager ang pag-iinuman ng apat kaya galit na galit daw ito.

Pero ang pinakamatinding "violation" na nagawa ng apat ay ang pagpapalitan nila ng kuwarto. Hiwalay kasi dapat ang kuwarto ng mga lalaki at mga babae, pero pumunta raw diumano sina Irish at Panky sa kuwarto ng mga boys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik ng Top 6 PDA scholars sa Pilipinas ay may lumabas na balitang nagmaldita diumano si Yeng sa mga Pinoy fans nila sa USA. Pero ang totoo raw talaga ay sina Panky at Irish ang inirereklamo na ayaw magpa-pictorial kasama ng mga fans.

Napag-alaman din ng PEP na pagdating pa lang sa Pilipinas ng PDA Top 6 mula sa US concert tour last April 25, nagpasya na ang DBP na hindi sila pakantahin sa ASAP ‘07 last Sunday, April 29.

Nakausap pa nga ng PEP sina Yeng at Ronnie kinabukasan. Nangangarag sila dahil pupunta pa raw sila sa bahay ng mga nagpadala ng letters para sa "Dream Request" segment nila sa ASAP '07. Ang hindi nila alam, hindi na pala sila dapat nangarag dahil tinanggal na ang naturang portion, kung saan kinakanta nila ang mga requested songs ng kanilang fans.

Bukod sa pagtanggal ng kanilang segment sa ASAP '07, binigyan pa ng ibang sanctions sina Irish, Panky, Chad, at Jay-R.

Hindi na raw tuloy ang gagawing album ni Irish sa Warner Music, na dapat ay sisimulan na niya pagbalik sa bansa.

Si Panky naman ay tinanggal na rin daw sa Cebalo Band, kung saan kasama niya sina Yvan Lambatan, Davey Langit, at Emman Abatayo. Sila ang kumanta ng bagong version ng "Pinoy Ako," na siyang theme song ng Pinoy Big Brother Season 2. Tuloy pa rin daw ang banda, pero kukuha na ng kapalit ni Panky.

Si Chad ay maaaring nakabalik na sa Australia dahil hindi raw nito kaya ang hirap na pinagdaraanan bilang isang singer.

Si Jay-R ay pinauwi muna sa Cebu habang hinihintay ang desisyon ng DBP, kahit pa nga kasalukuyan siyang nagpu-promote ng debut album niya. Kahit ang manager ni Jay-R ay nag-give-up na rin daw sa kanya. Ipina-cancel na raw nito ang lahat ng mga nakuha niyang shows para kay Jay-R dahil naging matigas daw agad ang ulo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For sure, hindi rin alam ni Jay-R na siya sana ang makakatambal ni Maja Salvador sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Pangarap na Bituin. Sana ay makakssama niya rito sina Jericho Rosales at Sarah Geronimo. Pero dahil nga sa indefinite suspension kay Jay-R ay tinanggal na siya sa cast.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN