When Vic Sotto met Pia Guanio

IMAGE 0


He talks a lot on TV, but he speaks little off-cam. He's a comedian, but he's reserved and rather serious in real life. He's a celebrity, but he shies away from publicity. That was Vic Sotto before Pia Guanio came into his life.


Ilang araw bago siya nagdiwang ng kanyang 53rd birthday, nagpaunlak ng isang live interview si Vic Sotto para sa last episode ng S-Files noong Abril 22. At sa interview sa kanya ng kasintahang si Pia Guanio, ito ang naging sagot niya nang siya'y tanungin tungkol sa kanyang "greatest fear"—"Mawala ka [Pia] sa buhay ko... No explanation needed. It's self-explanatory."

At noong sumunod naman na Sabado, ipinahayag din ni Vic na masaya ang buhay niya sa ngayon dahil kay Pia. Marami ang kinilig, ngunit marami pa rin ang may agam-agam—tatagal kaya ang kanilang relationship?

Aalamin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kailan nagsimula ang kuwento ng kanilang pag-iibigan, at kung paano nito binago ang isang Marvic Sotto, na ngayon ay four-time Box Office King ng local showbiz.

Standoffish Vic. Ganito inilarawan ni Pia ang kanyang kasintahan nang una silang magkita sa set ng Eat Bulaga! noong 2004.

Sa exclusive interview sa kanila ng YES! magazine na nailathala sa February 2007 issue, ibinahagi ni Pia ang first impression niya kay Vic. Aniya, "My first impression of him was that he's standoffish. ‘Ang sungit naman nito.'"

At kaya niya nasabi iyon ay dahil sa malamig na pakikitungo ng komedyante sa Showbiz Central host nang mag-guest ang huli sa game portion ng Eat Bulaga! na "Stop the Clock."

Si Vic naman, umaming nagkaroon ng "secret crush" kay Pia noong nag-guest ito sa comedy sitcom niya sa GMA-7 na Daddy di do du. Hindi nga lang naging very showy noon ang nasabing TV host-comedian dahil committed na noon ang dalaga sa iba.

Ang stockbroker na si Mike Jacob, kapatid ng dating na-link kay Vic na si Christine Jacob, ang tinutukoy na boyfriend ni Pia. Si Vic naman, kagagaling lang sa isang relationship with Pia Cabreira, isang modelo.

Noong March 2006, kinumpirma ni Pia Guanio na wala na sila ng lalaking naging nobyo niya sa loob ng pitong taon. Sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin, sinabi nitong: "It was not easy to call it quits. That's why even if there were signs already, it still took me about a year to finally decide to break up with him. It was not the same anymore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdetalye niya, "I would be very busy working, and enjoy that time so much. I don't find myself missing him just like before. Hindi na ako lagi nagte-text. We've clearly grown apart."

Let the love begin. Kalagitnaan ng taong 2006, naging kapansin-pansin ang umano'y kakaibang pakikitungo nina Vic at Pia sa isa't-isa. Sa May 2006 issue ng Hi! magazine, inintriga si Pia kung totoong sila na nga ni Bossing—ang mas kilalang tawag kay Vic. Ito kasi ang naging bulung-bulungan sa apat na sulok ng local showbiz.

Depensa naman ni Pia, "I'm not owned by anyone right now. I'm single! Hindi ko alam na may relasyon pala kami [ni Vic] gaya ng nakasulat. I don't know him that well yet. Yung closeness namin, parang...it's the kind of closeness that people have developed when they worked together."

Ilang buwan ang nakalipas, nag-iba ang ihip ng hangin. Marami ang nakapansin sa kakaibang sigla ni Pia Guanio—sa harap man o likod ng camera—kapag nasa paligid si Bossing.

Pero nang kapanayamin si Pia ng Hi! magazine para sa October 2006 issue nito, hindi pa rin ito tuwirang umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon. "I'm not denying anything naman, e! But I won't go out telling people about my personal life, 'di ba?" sambit ni Pia.

Noong Nobyembre lamang naganap ang direktang pag-amin ni Pia. Naging mas bukas na rin ang magkasintahan sa pagpapakita ng kanilang sweetness sa telebisyon. Naging kapansin-pansin din ang sabay nilang pagkawala sa Eat Bulaga! ng mga ilang araw. Ayon kay Pia, pumunta raw sila sa Hong Kong kasama ang ilang malalapit nilang kaibigan.

Ngunit nitong taong ito lamang nagsalita nang sabay at madetalye sina Pia at Vic tungkol sa pag-iibigan nila. Sa exclusive interview sa YES! magazine, February 2007 issue, nagkuwento ang dalawa tungkol sa kanilang romansa. Dito ay inamin din for the first time ni Vic na si Pia na ang babaing gusto niyang makasama for good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Vic sa YES! interview, "Kung hindi rin lang siya ang mapapangasawa ko, I told her, hindi na ako mag-aasawa."

A changed man? Pabling, malakas manigarilyo, tahimik tungkol sa personal niyang buhay—ganito inilarawan si Vic ng ilang taong nakakakilala sa kanya. Ngunit simula nang maging sila ni Pia, marami ang nagsasabing malaki ang ipinagbago ni Bossing.

Matatandaan na dati-rati'y laging umiiwas si Vic sa tuwing tatanungin siya tungkol sa kanyang love life. Tulad na rin ng kanyang paglilihim sa tunay niyang edad, tikom ang bibig ni Vic tungkol sa mga babaeng nai-ugnay sa kanya.

Kung tutuusin, sina Dina Bonnevie at Coney Reyes lamang ang naging pinakamatunog na babaeng naging bahagi ng buhay ni Vic Sotto. Kay Dina, ang unang asawa ni Vic, nagkaroon siya ng dalawang anak—sina Danica at Oyo. Samantalang kay Coney, nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang lalaki, si Vico.

Nagkaroon din siya ng isa pang anak, at ito ay kay Angela Luz, anak ng National Artist for painting na si Arturo Luz. Ito ay si Paulina—ang anak niyang mahusay sa golf at tuloy ay madalas makasama ng golf addict na si Vic.

Napabalita ring nagkaroon siya diumano ng relasyon kina Alice Dixon (nakatrabaho niya sa dating TV show na Okay Ka Fairy Ko) at Christine Jacob (dati niyang co-host sa Eat Bulaga!). Na-link din daw si Bossing kina Kris Aquino, Pia Cabreira, at ang SexBomb dancer na si Rochelle Pangilinan. Hindi kinukumpirma ni Vic ang alin man sa mga naibalitang ito.

Ngunit ang relasyon niya sa "Chika Minute" host ang lumikha ng pinakamalakas na ingay, dahil ang pag-amin ay galing mismo sa bibig ni Vic.

Nitong March 12, inilabas ng PEP ang isang artikulo kung saan masayang ibinabalita ni Vic na tumigil na siya sa paninigarilyo. Ang decades-old smoker ay nagsabing request daw kasi ito ni Pia for her birthday gift.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na nga kaya ang happy ending ng lovelife ni Bossing?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN