Rayver Cruz unaware of "silent war" among cousins

IMAGE 0


"To be honest, wala akong alam sa problema nila. Pero kahit naman sinong tao, ayaw ng away, gusto natin bati-bati lahat. Matagal ko na rin kasi silang di nakakausap," says Rayver Cruz about the silent war among his cousins Sheryl, Sunshine, Donna, and Geneva.



Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang young actor na si Rayver Cruz ay konektado rin pala sa isa sa pinakasikat na showbiz clans sa Pilipinas, ang Cruz family. First cousin ni Rayver sina Sheryl, Donna, Sunshine, at Geneva Cruz.

Open book ang silent war ni Sheryl sa mga pinsan niyang sina Donna, Geneva, at Sunshine. Pero ayon kay Rayver, wala raw siyang alam sa away na namamagitan sa kanyang mga pinsan.

"To be honest, wala akong alam sa problema nila," pauna ni Rayver. "Pero kahit naman sinong tao, ayaw ng away, gusto natin bati-bati lahat. Matagal ko na rin kasi silang di nakakausap. Si Ate Sunshine, hindi ko nakakausap, matagal na, kasi busy siya sa pangangampanya [for husband Cesar Montano]. Si Ate Sheryl naman, di ko pa nakikita."

Mula sa pagiging isang child actor ay napansin si Rayver para sa kanyang husay sa pagsayaw. Pero dahil sa angking kaguwapuhan at galing sa pag-arte, hindi kataka-taka kung bakit ngayo'y unti-unti na rin siyang nakikilala as one of the most promising young actors.



Sa katunayan, naikukumpara na siya sa isa pang Cruz—si John Lloyd Cruz. Ikinakataba naman ng puso ni Rayver ang pagkukumpara sa kanya kay John Lloyd. Pero ayon kay Rayver, malayo pa raw ang dapat niyang tahakin upang mapantayan man lang ang husay sa pag-arte ni John Lloyd.



"Nung sinabi sa akin ‘yan, siyempre ang saya ko," panimula ni Rayver. "Pero ang sabi ko, idol ko talaga si Kuya John Lloyd. Ibang klase talaga umarte yun, astig talaga. Nakakatuwa naman, but I know, marami pa akong dapat gawin para mai-compare man lang ako sa husay niya."

Samantala, very open si Rayver sa panliligaw niya sa ka-loveteam na si Shaina Magdayao. Ayon sa young actor, seryoso siya sa kanyang panliligaw at handang maghintay kung kailan magiging ready si Shaina na pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Magtu-two months na akong nanliligaw sa kanya. I can say, and I'm very much willing to wait for her. Okay lang sa akin ang maghintay, walang kaso sa akin yun. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae. Bukod sa looks niya, napaka-thoughtful, malambing, at mabait ni Shaina," pag-e-enumerate pa niya sa mga katangian ni Shaina.

Sa isang panayam sa ina ni Shaina na si Deanne Magdayao ay umamin ito na gusto niya si Rayver para kay Shaina. Ano ang masasabi ni Rayver dito?

"As I can see, natutuwa naman sa akin sila Mommy Dianne, and masaya ako dun. Basta okay ako sa family niya, okay na ako dun. Nakapunta ako sa party ng pamangkin niya [Shaina], pero sa house nila, hindi pa. At this moment kasi, super tight yung sked namin because of Rounin. Pero pag nakaluwag-luwag ng oras, definitely, popormal ako [ng panliligaw]sa kanila," sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN