Sarah Geronimo got P10M for endorsing a senatorial candidate?

IMAGE 0


Rumors spread that Sarah Geronimo received P10 million for endoring senatorial candidate Edgardo Angara. Sarah's reaction: "Grabe naman yun! Wish ko lang po."



Pinabulaanan ni Sarah Geronimo ang balitang P10 million ang ibinayad sa kanya ng re-electionist na si Senator Edgardo Angara kapalit ng endorsement niya sa pulitiko. May tsismis pa nga na kaya natapos agad ang pagpapatayo ng bahay niya sa Mindanao Ave., Quezon City, ay dahil sa laki ng kinita niya sa pag-e-endorse sa senador.

"Grabe naman yun! Wish ko lang po. Hindi pa tapos ang bahay ko," paglilinaw ni Sarah nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Actually, hindi ko po talaga alam. Wala po akong idea. Ang Viva po kasi ang nakikipag-usap para sa mga projects ko. Ang Viva na lang po ang tanungin n'yo," sabi pa ni Sarah tungkol sa anumang halaga ang ibinayad ni Sen. Angara.

Pero inamin niyang binigyan siya ng scholarship ni Sen. Angara para sa extension courses ng University of the Philippine (UP). Inaayos din daw ng senatorial candidate na mabigyan siya ng scholarship sa Open University ng UP sakaling makapasa si Sarah sa UPCAT (UP College Admission Test).

Gusto kasi ni Sarah na makapasok siya sa online program (Open University) ng UP, kung saan ay mag-aaral siya sa pamamagitan ng learning modules sa Internet. Hindi raw kasi niya kakayanin na pumasok araw-araw sa eskuwela.

Matatandaang kaga-graduate lang ng Pop Diva ng high school sa pamamagitan ng home-study program ng Angelicum College. Gusto raw niyang ituloy ito hanggang college. Nang naibalita ito'y naibalita ring gusto ni Sarah mag-enrol sa tanyag na University of Sto. Tomas Conservatory of Music.

Tungkol naman sa career ni Sarah, ibinalita niya na malapit nang simulan ang taping ng bagong soap opera niya sa ABS-CBN, ang Pangarap na Bituin. Si Jericho Rosales ang leading man niya rito.

Hindi pa man nagsisimula ang taping ng Pangarap na Bituin, ngayon pa lang ay iniintriga na sila ni Echo. Hindi raw ba siya natatakot na pagselosan siya ng girlfriend ng young actor na si Heart Evangelista? Halos lahat daw kasi ng leading lady ni Echo ay naging girlfriend nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi naman po!" natatawa niyang sabi.

Aminado si Sarah na hindi pa niya masyadong kilala si Echo kumpara sa crush niyang si Piolo Pascual.

"Iba po kasi talaga si Piolo, e. Sweet kasi siya kahit sino at anong antas ng tao. Maging sino ka man, papansinin ka niya," sabi pa ni Sarah.

Hindi ba ganoon si Jericho?

"Hindi naman po. Hindi ko po kasi masyadong nakasama si Kuya Jericho noon sa ASAP," paliwanag niya.

Nagbigay rin ng komento si Sarah sa pagpaparusa sa Pinoy Dream Academy (PDA) scholars na sina Irish Fullerton, Panky Trinidad, Chad Peralta, at Jay-R Siaboc dahil sa ilang violations. Isa sa parusa sa kanila ay ang pagkakatanggal sa kanila sa ASAP '07, kung saan kasama rin si Sarah.

"Kasi naman... Ewan ko ba sa kanila. Ano ba kasi ang nangyari sa kanila?" pagtatanong niya.

Mismong mga producers daw ni Sarah sa US ang nagbalita sa kanya na nagkaroon ng problema roon ang PDA scholars.

"Parang may nag-vandal pa yata sa hotel. Actually, naloka ako. Bakit naman ganun, di ba? Alam namang bawal, bakit ginawa pa?" sabi ni Sarah.

Ano ang maipapayo niya sa na-suspend na PDA scholars?

"Siyempre, hindi rin ako naging perpekto. Naging pasaway din ako minsan. Pero ang importante naman diyan ay marunong silang bumangon. Marunong silang bawiin kung ano man ang nakaraan nila o nagawa man. Bumawi sila," payo niya.

Agree ba siya na bigyan ng parusa ng Big Dream Productions ang apat?

"Mahirap pong magsalita. Baka naman sabihin nila against ako sa kanila Basta nanghihinayang ako sa kanila," ang sagot ng talented singer na produkto rin ng televised talent search.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN