Sugar Mercado kicked out from house she is renting

IMAGE 0


Former SexBomb dancer Sugar Mercado is temporarily staying in the house of senatorial candidate Tessie Aquino-Oreta after she was kicked out from the house she was renting in Manila.


Lubos na napaiyak ang dating SexBomb dancer na si Sugar Mercado nang ibalita niya sa Startalk kahapon, May 5, na napalayas sila sa kanilang inuupahang bahay kamakailan lamang.

Ayon pa kay Sugar, may dalawang araw din siyang natutulog sa loob ng kanyang kotse dahil sa wala siyang mahanap na matutuluyan. At ang dahilan diumano ng pagpapaalis sa kanilang inuupahang bahay ay ang hindi nila pagbabayad ng renta na nagkakahalagang P10,000 kada buwan.

"Kasi po nahihirapan na akong magbayad. Hindi naman po regular yung show ko po sa gabi. Kasi po binabayaran ko 'yong kotse ko. At saka 'yong mga panggastos po namin sa Cavite at 'yong mga kamag-anak ko po," paliwanag ni Sugar.

Bukod pala sa mga sariling gastusin, si Sugar din diumano ang gumagastos para sa pamilya niya sa Cavite, kasama pati ang ilang malalapit na kamag-anak tulad ng mga pinsan at pamangkin.

Kasalukuyang naninirahan ngayon ang Eat Bulaga! host sa bahay ng dating senador na si Tessie Aquino-Oreta, na ini-endorso ni Sugar sa pagtakbo nito bilang senador.

"Pinatuloy lang po ako ni Mrs. Oreta po. Doon po muna ako, kinakampanya ko po muna siya. Kasi tinatanong po niya ako kung saan ako nakatira ngayon, sakto po kasi umalis na po ako," kuwento ni Sugar.

Inamin naman ni Sugar na hindi niya nagawang humingi ng tulong sa mga malapit na kasamahan niya sa Eat Bulaga!. Gayunman, umaasa ngayon ang dalaga na makakahanap din siya ng matutuluyan sa mas mababang halaga.

"Siguro po makakahanap din po ako ng bahay na malilipatan po," pagtatapos ni Sugar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN