Tirso Cruz III misses son Bodie

IMAGE 0


"Ramdam na ramdam ang void sa bahay sa pagkawala ni Bodie. Alam mo, he has lived all his life with us, and for the first time, ngayon lang siya nawala nang ganitong katagal," says Tirso Cruz III about son Bodie, who is currently a Pinoy Big Brother housemate.



Si Tirso Cruz III ang nag-host ng press con cum thanksgiving party ng kanyang kaibigang si Christopher de Leon—who is running for vice governor of Batangas—kagabi, May 6, sa Imperial Palace Suites. Si Boyet lang ang tanging non-senatorial candidate na binigyan ng press con ni Mother Lily Monteverde.

Iba ang naging format ng press con dahil hindi muna si Boyet ang pinagsalita ni Pip kundi ang mga malalapit sa multi-awarded actor, who showed their support through their presence. Ilan sa kanila ay sina Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, and even members of the entertainment press like Nora Calderon and Mario Bautista.

In between speeches, napag-usapan namin ni Pip ang kalagayan ng kanyang anak na si Elmo Jeremiah "Bodie" Cruz, na housemate sa second season ng Pinoy Big Brother (PBB) sa ABS-CBN. Lumabas ang lahat ng emosyon ni Pip bilang ama.

"Ngayon ko lang talaga naintindihan ang kasabihan na mararamdam mo ang pagmamahal mo sa isang tao kapag wala siya," sabi ni Pip sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ramdam na ramdam ang void sa bahay sa pagkawala ni Bodie. Alam mo, he has lived all his life with us, and for the first time, ngayon lang siya nawala nang ganitong katagal."

Kuwento pa ni Pip, "Sa bahay namin, katabi lang ng family room ang pinaka-kuwarto niya. Habang wala siya, nakabukas ang pinto ng kuwarto niya. Minsan, napapatingin ako doon. Parang may hinahanap ako, tunog ng music sa loob kapag nandoon siya. Minsan, hindi ko mapigilang hindi pumasok sa kuwarto niya. Si Lynn [Ynchausti, Bodie's mother], iyak nang iyak."

Nag-subscribe raw ang pamilya Cruz sa 24/7 ng PBB para mapanood si Bodie.

"Mas masuwerte pa rin kami kasi siya nakikita namin, siya hindi niya kami nakikita. Minsan pumapasok rin sa isip ko na sana makalabas na siya kasi we're missing him so much. Pero siyempre, we are supporting him all the way," sabi ni Pip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hitsura nga raw na mag-aartista na rin si Bodie paglabas sa Bahay ni Kuya.

"Alam mo, sa mga anak ko, minsan nagdaramdam ako sa kanila kasi ako artista ako for 40 years na. Ito ang pinambuhay ko sa kanila, pero wala man lang sumunod sa yapak ko," ani Pip.

‘Then, napanood ko siya [Bodie] minsan sa PBB. Sabi niya, sa kanila kasing magkakapatid, natatak daw sa kanila ang importance ng studies na palagi naming itinuturo. So lahat sila nag-focus sa pag-aaral, which is very good naman. Then ngayon, he's thinking of trying it [showbiz], and I will be very happy to support him if ever he decides to enter showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN