Will Kris and James get Ai-Ai as ninang of their son?

IMAGE 0


"Nirerespeto ko desisyon nilang mag-asawa kung hindi man ako ninang. Kris is my friend kahit ano mangyari," says Ai-Ai delas Alas about the possibility that she will not be one of the godparents of Baby James.



Inamin ni Kris Aquino sa kanyang interview sa The Buzz last Sunday, May 6, na isa sa naging malaking away nila ng mister niyang si James Yap ay ang pagbibiro ng kaibigan ng TV host-actress, na si Ai-Ai delas Alas, noong kasagsagan ng kontrobersiya kina James at Hope Centeno.



Matatandaang nag-comment si Ai-Ai na ibalik na lang muna ni Kris si James sa nanay niya, pagkatapos hingan ng pahayag ang comedienne tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng asawa ni Kris. Inaway ni James si Kris dahil dito, at sinabihan na hindi man lang siyang nagawang ipagtanggol ng misis niya kay Ai-Ai.

Since then ay nakahingi na ng apology si Ai-Ai kay James, pero hindi pa rin malinaw kung tinanggap na ba ito ng sikat na basketbolista.



"Hayaan na lang natin silang mag-asawa," sabi ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang hingan ng komento sa naging pahayag ni Kris sa The Buzz.

"Ayoko nang makisali kasi napapaso lang ako kapag kumakampi ako kay Kris. Pag nagkabati, ako patay. Huwag na lang," pakiusap pa niya.



Sinabi rin ni Kris sa The Buzz na tatlong babae, tatlong lalaki, at dalawang bading ang kukunin nilang godparents para sa anak nila ni James, na si Baby James. Inaasahan ng marami na isa si Ai-Ai sa magiging ninang ni baby James dahil malapit na magkaibigan sila ni Kris. Ang binyag ni Baby James ay gaganapin sa May 19.



"Naku, ayoko ng intriga," pag-iwas ni Ai-Ai nang tanungin kung kinausap na ba siya nina Kris at James para maging ninang ni baby James.

"Okey lang, hindi pa," patuloy niya. "Pero okay lang 'yon. Nirerespeto ko desisyon nilang mag-asawa kung hindi man ako ninang. Kris is my friend kahit ano mangyari."



Samantala, abala ngayon si Ai-Ai sa paghahanda para sa kanyang pag-alis papuntang United States for a series of shows. Mahigit isang buwan mawawala sa Pilipinas si Ai-Ai. Nakatakdang umalis si Ai-Ai on May 31 kaya siguradong aabutin pa niya ang binyag ni baby James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kumpirmado na rin na tinanggihan na ng kampo ni Ai-Ai ang pelikulang inalok sa kanya ng Regal Entertainment. In-offer kay Ai-Ai ang Aswang ang Nanay Ko, na intended sana para sa 2007 Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN