Caridad Sanchez has yet to conquer her fear of flying

IMAGE 0


Veteran actress Caridad Sanchez may be fearless in attacking roles given to her, but she reveals that there is one fear she has yet to conquer—the fear of flying.



Taong 1968 nang huling sumakay ng eroplano ang veteran actress na si Caridad Sanchez. Matinding trauma kasi ang kanyang naramdaman nang makita niya na nanginginig sa takot si Helen Gamboa habang nakasakay sila sa isang domestic flight.

Mula noon, isinumpa ni Caridad na hinding-hindi na siya sasakay ng eroplano.



Ang phobia ni Caridad sa pagsakay sa eroplano ang dahilan kaya tinanggihan niya ang mga alok na pelikula na kukunan sa ibang bansa, tulad ng Australia at Hong Kong. Hindi nagpasilaw sa mataas na talent fee ang veteran actress dahil umiral sa kanya ang sobrang takot sa pagsakay sa eroplano.



Ang phobia sa eroplano rin ang dahilan kaya hindi kasama si Caridad sa shooting ng action-adventure series ng GMA-7 na Asian Treasures sa ibang bansa. Nang mag-shooting ang cast sa Surigao, sumakay sa eroplano ang mga artista at production staff ng Asian Treasures, samantalang sumakay naman ng barko ang 71-year-old actress na gumaganap sa serye bilang Lola Miranda ni Elias (Robin Padilla).



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Caridad, ipinahayag nito na hindi niya alam kung mawawala pa ang phobia sa pagsakay sa eroplano, at wala rin siyang balak na ma-conquer pa ang kanyang fear of flying.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN