Angelu de Leon says most young stars lack respect for senior stars

IMAGE 0


"Napansin ko lang na most of them, hindi nila alam ‘yong word nacourtesy. Basta dadaanan ka na lang or nasa isang dressing room kayo,pero di ka man lang kausapin or batiin," says Angelu de Leon about the new breed of young stars.


If there's something na napapansin si Angelu de Leon sa mga baguhang artista ngayon, iyon ay ang madalas na hindi nila pagbibigay ng galang sa mga senior stars o mga artistang nakatatanda sa kanila.



Angelu has worked with new stars na produkto ng GMA-7 at ABS-CBN. Ayon sa kanya, nakaranas na siya ng pangde-deadma mula sa ilang baguhang artista na nakatrabaho niya. Ayaw na lang daw banggitin ni Angelu kung saang network galing ang mga baguhang tinutukoy niya.



"Napansin ko lang na most of them, hindi nila alam ‘yong word na courtesy. Basta dadaanan ka na lang or nasa isang dressing room kayo, pero di ka man lang kausapin or batiin," sabi ni Angelu.



Dumaan din si Angelu sa pagiging teen actress noong ‘90s. Sa katunayan, ang tambalan nila noon ni Bobby Andrews ang isa sa pinakasikat na loveteams.

Sinabi ni Angelu na natanim sa isip niya ang turo sa kanila na kailangang magbigay sila ng respeto sa mga senior stars. Hindi raw nakikita ni Angelu ang ganito sa ilang baguhang artista ngayon.



Ayon sa kanya, "Noong panahon kasi namin as teen stars, iyan ang unang itinuro sa amin—ang magbigay-galang sa mga nakakatanda sa industriya. Hindi naman kasi kailangang makipag-besohan ka or makipag-close ka, magandang asal kasi ‘yong bumati ka at magpakilala ka. Minsan kasi, magkatrabaho na kayo, hindi pa kayo magkakilala. Alangan namang ako pa ang makipagkilala sa kanila, di ba?"



Kung may isang bagay na ikinatutuwa naman si Angelu sa mga baguhang artista ngayon, ito ay ang pagiging handa nila sa trabahong pinasok nila.



"I think nakabuti ‘yong mga reality shows na sinalihan nila," opinyon ni Angelu. "It really prepared them sa mga gagawin nila sa trabahong ito. Kami kasi, basta kinuha na lang at ginawang artista. Tuloy, hindi namin alam ‘yong gagawin namin nung una. Dumaan pa kami sa workshops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa mga baguhan ngayon, magugulat ka kasi marurunong na sila. As in kina-career na nila ang kumanta, sumayaw, at umarte. Mas well-rounded ang mga bata ngayon compared sa amin before. Mas may confidence sila ngayon," sabi niya.



Papayagan kaya niya ang dalawang anak niyang sina Nicole at Lois na mag-artista in the future?



"It depends sa kanila," sagot ni Angelu. "Right now, mga bata pa sila, ayoko muna. Tsaka bawal sa school na pinapasukan nila ang mag-showbiz sila. Or else, tsugi sila sa school.



"Okay naman ‘yon for me kasi hindi nawawala ‘yong privacy ng mga bata. May mga offers na nga akong natatanggap para sa mga bata, pero hindi nga puwede. Kahit na tempting ang offers, wala akong magagawa. Kesa naman mawalan ng school na papasukan ang mga bata, tapusin na lang nila ang pag-aaral nila," pangwakas na pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN