Rudy Fernandez's health improves

IMAGE 0


Action superstar Rudy Fernadez remains optimistic of his health condition. He is actually happy to share that his tumor in one his vital organs is getting smaller while another one is completely gone.



Masigla at masaya si Rudy Fernandez nang dalawin namin siya sa White Plains residence nila ng kanyang misis na si Lorna Tolentino kahapon, May 11. Madalas naming isinusulat na parang walang sakit na cancer si Rudy tuwing aming nakikita dahil palagi siyang masaya.



Kinumpirma ni Rudy na hindi na siya bibiyahe sa Japan para magpagamot. Instead, pupunta na lamang siya sa isang ospital sa Hong Kong para magpa-check up.



Natutuwa kami kay Rudy kapag nagkukuwento ito tungkol sa kanyang karamdaman dahil sa kanyang positive attitude. Kapag siya ang aming kausap, parang ordinaryong sakit, tulad ng sipon o sinat, ang kanyang karamdaman.



Sa huling check-up kay Rudy, nakita ng doktor na lumiliit na ang tumor sa isang vital organ ng kanyang katawan at bigla raw nawala ang isang bukol na tinawag niya na "mahiyain."



Para kay Rudy, ang chemotherapy procedure ang pinakamabisa para mamatay ang cancerous cells sa katawan ng tao.



Nang magpaalam kami sa kanya, niyakap kami ni Rudy at sinabihan na "Huwag kang magkakasakit ha?"



Wala kaming maisip na appropriate term or words sa aming naramdaman nang sabihin 'yon ng isang tao na may sakit, pero nananatiling maganda ang pananaw sa buhay at matatag sa pagharap sa mga pagsubok.



We have to admit, looking forward kami palagi sa pagdalaw kay Rudy. Bukod sa masayang kausap at maraming kuwento, wala nang tatalo sa kanyang pagiging maaasikaso at masasarap na pagkain na ipinahahanda nila ni Lorna sa kanilang mga bisita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN