John Lloyd Cruz and Sam Milby pulled out from Cover Boys

IMAGE 0


Sam Milby (left) and John Lloyd Cruz (right) will not be seen with the rest of the Cover Boys—Rafael Rossel, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, and Victor Basa—in ASAP '07 starting this Sunday. The two matinee idols were pulled out from the all-male group.



One of the most awaited portions sa Sunday afternoon musical variety show ng ABS-CBN, ang ASAP '07, ay ang grupo ng Cover Boys—na binubuo nina John Lloyd Cruz, Rafael Rossel, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Victor Basa, at Sam Milby.

Noong ini-launch ang Cover Boys sa ASAP '07 ay hindi pa kasama noon si John Lloyd. Pero noong pumasok si John Lloyd ay lalong lumakas ang audience appeal ng Cover Boys.



After a year, may lumabas na balitang madi-disband na diumano ang Cover Boys. Agad naming tinext ang Vice-President for Variety, Talk, and Reality ng ABS-CBN na si Deo Endrinal para kumpirmahin ang nasagap naming balita.



Ito ang kasagutan niya sa aming text message! "Not true. We just partnered them with the four Cover Girls. So, it's now Rafael-Angelica Panganiban, Jake-Roxanne Guinoo, Zanjoe-Anne Curtis, and Victor-Michelle Madrigal."



Pero tiyak na malulungkot ang fans nina John Lloyd at Sam dahil opisyal nang mawawala sila sa Cover Boys. Hindi na nga kumpleto ang original members ng Cover Boys na mapapanood sa ASAP '07 starting this Sunday, May 13.



Tinanong din namin si Deo kung may possibility ba na magdagdag ng bagong members ang Cover Boys. Mabilis niya kaming sinagot na wala raw muna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN