Kris gets Claudine and Lucy as godparents of baby James

IMAGE 0


The newborn baby of Kris Aquino (center) will be baptized on Saturday, May 19. Two of baby James's godparents are Claudine Barretto (left) and Lucy Torres-Gomez (right).



Muling mapapanood si Kris Aquino sa The Buzz bukas, May 13, with her newborn child baby James. Ikukuwento ni Kris ang mga bagong kaganapan sa kanila ng kanyang anak sa basketbolistang si James Yap. Kinunan sina Kris at baby James ng The Buzz noong Miyerkules, May 9.



Inaabangan ng halos lahat ang nalalapit na binyag ni baby James sa May 19. Bibinyagan ang anak nina Kris at James sa Don Bosco Church sa Makati City. Super exclusive daw ang magaganap na reception after ng binyagan. In fact, hindi pa lumalabas sa press ang saktong venue ng reception.



But from a very reliable source, kinumpirma nito na magaganap ang reception ng binyag ni baby James sa bahay ng yumaong lola ni Kris na si Doña Aurora Aquino sa Dasmariñas Village, Makati City. Pinili raw ito ni Kris para mas maging intimate at private ang naturang okasyon. Magiging mahigpit din daw ang security mula sa gate pa lang ng subdivision hanggang sa mismong bahay ng lola ni Kris.

Walo ang magiging godparents ni baby James. Tatlong lalake, tatlong babae, at dalawang gays.



Nakumpirma namin na kabilang sa mga ninang ni baby James sina Claudine Barretto, na nakasama ni Kris sa horror movie na Sukob last year; Lucy Torres-Gomez na ibinili ng damit si baby James during her recent trip sa US habang ipinagbubuntis pa lang siya ni Kris; at ang Vice-President for Programming ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes.



Ang mister naman ni Kris na si James ang namili ng mga ninong, na most probably ay mga kaibigan at kasamahan ng tatay ni Baby James sa mundo ng basketball. Ang "natatanging" dalawang ninong pa ni Baby James ay ang talent manager at kaibigan ni Kris na si Boy Abunda at ang Vice-President for Variety, Reality & Talk ng ABS-CBN na si Mr. Deo Endrinal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ekslusibong mapapanood ang buong detalye at kaganapan ng binyag ni James Aquino Yap sa susunod na Linggo, May 20, sa The Buzz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN