Marco Alcaraz talks about sex for hire and indecent proposals

IMAGE 0


"Kung milyon ‘yon, pag-iisipan ko pa! Medyo mapapaisip ka pa. Parangang cheap nga, e. Mapapaisip ka na P200,000? Ano ba, ganun lang ba angpresyo ko?" jokes Marco Alcaraz about indecent proposals.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Marco Alcaraz sa press con ng Pati Ba Pintig ng Puso? last May 15. Tinanong namin siya kung ano ang nararamdaman niya kapag may nakakarating sa kanyang malisyosong intriga na kasama siya sa listahan ng mga guwapo at hunky actors na napapabalitang nababayaran ng malaking halaga kapalit ng kanilang katawan.

"Actually, alam ko naman na kung minsan, may mga lumalabas na blind items na ganyan-ganyan, or may nagsasabi sa akin. Actually po kasi, medyo ano po, medyo flattering din. Sana totoo!" tawa niya.

"Hindi, hindi! Medyo nasanay na rin po ako. Kasi siyempre, noong nag-i-start pa lang ako as a basketball player, actually, may mga player din talaga na gumaganun-ganun. Inaamin ko naman na minsan, lumalabas kami, na may kasamang manager, or sponsor. Tapos kaming lahat, pinapakain, ganun.

"Parang depende lang sa iyo ‘yon kung gusto mong makipagrelasyon sa ganun. Kung ayaw mo naman, wala namang pipilit sa iyo. May mga iba talagang ganun, so depende na lang po sa iyo ‘yon," paliwanag ni Marco.

Ano na ang pinakamalaking offer na natanggap niya at paano niya ito tinanggihan?

"Hindi pa naman ako na-offer-an ng bahay at lupa! Wala pang ganun," tawa niya ulit.

"Kotse? Wala pa rin. Siguro ano lang, may magpaparamdam lang, may magte-text. Na kung puwede akong makipag-date sa halagang P200,000. Wala, hindi na ako nagre-reply sa mga ganung text. Or minsan, may lalapit lang bigla, na kung puwede raw akong i-date, na parang nakaka-offend. Wala lang, tatawa ka na lang.

"Kung milyon ‘yon, pag-iisipan ko pa! Medyo mapapaisip ka pa. Parang ang cheap nga, e. Mapapaisip ka na P200,000? Ano ba, ganun lang ba ang presyo ko?" tawa nang tawang sabi pa ni Marco.

Ayon kay Marco, palakaibigan siya sa mga gays.

"Pero honestly naman kasi, marami akong kaibigan na mga gays, na parang kung minsan... Iyong iba kasi, makita ka lang na may kasamang bading, iisipin, ‘Uy dyowa ito!' or ‘Uy, nababayaran ito!' Ganun. Paano kung friendly ka lang sa bading, tapos ganun na ang tingin sa iyo, di ba? Unfair naman ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako homophobic, marami akong friends na mga bading. ‘Yong iba, mga kababata ko pa. Tsaka sa mundo ng showbiz, hindi puwede ‘yon, hindi puwedeng homophobic ka. Although ‘yong iba, kahit nasa showbiz, ilang sa gays; ako hindi. Kaibigan ang turing ko sila," pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN