Richard Gomez ready to accept his defeat

IMAGE 0


"Siguro, dahil hindi naging maganda ‘yong naging pakita ng mgadating artistang pulitiko, apektado kaming lahat. Actually, lumabas nadati sa survey na ‘yong mga tao, nagsawa na sa mga artista. Akonaman, ang sinasabi ko, depende siguro sa artista, kung may kakayahanang isang artista. Ako naman, hindi sa pagyayabang, pero sinasabi ko nakung sila lang siguro ay kaya ko naman," says Richard Gomez about the poor showing of the celebrities in



Hindi man direktang sinabi ni Richard Gomez na handa na siyang mag-concede sa katatapos na election noong May 14, ipinahayag naman ni Goma na tanggap niya ang naging resulta ng naturang halalan kung saan kumandidato siya bilang senator.

Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez sa 52nd birthday celebration ng mommy ni Regine Tolentino na si Regina Tolentino. Ginanap ang celebration sa Grand Terrace Restaurant sa Commonwealth, Quezon City last night, May 17. Ipinahayag ng morenong aktor ang naging saloobin niya sa nagdaang halalan.

Ayon kay Goma, "Well, if ang pag-uusapan ay kung malinis ang halalang ito, nakikita naman natin sa TV na may dayaaan pa rin, hindi ba? Pero ako, on my part, ina-accept ko kasi ang defeat e, wala akong problema doon. Ang problema lang ay doon sa Top 12, kung nagkakaroon ng dayaan sa Top 12.

"Hindi ako nag-concede, there's no reason for me to concede. Hintayin lang natin na matapos ang bilangan. Pero you have to accept defeat. Makikita mo kasi ‘yong trending, e, malayo talaga. But I'm telling my supporters not to lose hope. Maybe in the future, they can still help me out. Maybe in the future, I will continue my advocacy. Maybe in the future, I'll run again for [public] office.

"Hindi naman ibig sabihin nito ay isusuko ko ang advocacy ko at ang intensiyon kong makapaglingkod sa bayan. Ang pananaw ko sa lahat ng ito, parang competition lang. Alam ninyo naman na atleta ako, so hindi lahat ng competition ay ipinapanalo mo. Kapag natalo ka, you just have to prepare better para sa susunod na laban," mahaba niyang paliwanag.



Sinabi rin ni Goma na hindi siya nasorpresa sa lakas na ipinakita ng senatorial candidates ng GO (Genuine Opposition). "Alam kong malakas talaga ‘yong GO, no doubt about it," aniya.

Sa kasalukuyan, sa partial count ng Comelec ay nasa ika-23 puwesto si Goma, samantalang sa Namfrel quick count na partial and unofficial ay nasa 26th spot naman ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala rin si Goma na kung napabilang siya sa ticket ng oposiyon, iba ang magiging resulta ng kanyang kandidatura.

"Definitely, definitely iba ang naging resulta kung nagkaganoon. Kasi kahit naman noon, alam ng lahat na in my heart, opposition talaga ako," sabi niya.

Inusisa rin ng PEP si Goma sa tunay na naramdaman niya nang hindi siya napasali sa senatorial slate ng GO. Apparently, naging biktima si Goma ng power struggle within the opposition.

"Kasi, tinanong ko noon si Presidente Erap [Joseph Estrada] at sabi niya..." nag-pause muna si Goma habang nag-iisip at saka nagpatuloy. "Well, I don't want to say the answer, pero ang ipinagtataka ko lang personally ay kung bakit ako ino-oppose nina [Ernesto] Maceda at [Franklin] Drilon. Iyong part na ‘yon ang hindi ko maintindihan. Maybe, pinoprotektahan niya sina Noynoy [Aquino] at [Kiko] Pangilinan," seryosong pahayag niya.

Ayon pa kay Goma, nang ilaglag ng GO si Kiko, may impormasyong nakarating sa kanyang nagkaroon ng pressure sa ilang leaders ng oposisyon kaya hindi siya ang naipalit sa spot na nabakante ng mister ni Sharon Cuneta.

Ano naman kaya ang interpretasyon niya sa hindi magandang naging resulta para sa mga artistang tumakbo sa pagka-senador?

"Siguro, dahil hindi naging maganda ‘yong naging pakita ng mga dating artistang pulitiko, apektado kaming lahat. Actually, lumabas na dati sa survey na ‘yong mga tao, nagsawa na sa mga artista.

"Ako naman, ang sinasabi ko, depende siguro sa artista, kung may kakayahan ang isang artista. Ako naman, hindi sa pagyayabang, pero sinasabi ko na kung sila lang siguro ay kaya ko naman," sabi ng aktor.

Nagpasalamat din si Goma sa lahat ng tumulong sa kanyang kandidatura at nagpahiwatig na muli siyang sasabak sa politika sa susunod na eleksiyon.

"Most likely, after three years ay susubukan ko ulit. And, gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, sa mga naniwala sa mga advocacy ko at sa kakayahan ko. Siguro, nagkataon lang talaga na hindi ito ‘yong tamang oras at mahirap talaga kapag tumakbong independent, lalo't hindi ganoon ang naging preparasyon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat din kay Presidente Erap at kay Miss Susan Roces dahil sa pag-endorse sa akin. Kasi, sinabi mismo sa akin ni Erap noong birthday niya na isasama niya ako sa sample ballot ng GO. So, salamat ng marami sa lahat ng nagmalasakit at tumulong," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN