James Aquino-Yap gets baptized on May 19

IMAGE 0


The godparents of baby James are Manny Pangilinan, Dondon Monteverde, Boy Abunda, Claudine Barretto, Lucy Torres-Gomez, Zandro Limpot, Cory Vidanes, Deo Endrinal, Mark Cuito, and Kris Aquino's cousin Rina.



Mamayang hapon na ang inaabangang binyag ng anak nina Kris Aquino at James Yap na si James Aquino-Yap sa Don Bosco Church sa Makati. Inaasahang dadagsa ang iba't ibang TV crew from different networks, including ABC-5 na may gagawing special for the cager-husband of Kris.



Sad to say, hindi makakarating ang ilan sa mga ninong at ninang ni baby James, gaya ni Manny Pangilinan, ang top honcho ng PLDT. Magpo-proxy sa kanya ang kapatid ni Kris na si congressman Noynoy Aquino, who is almost sure to win sa kanyang kandidatura for senator.

Hindi rin makakadalo ang co-star ni Kris sa Sukob na si Claudine Barretto dahil sa maselang kalagayan nito sa kanyang pagbubuntis. Si Anne Curtis ang magpo-proxy sa kaniya.

Hindi rin makakapunta ang isa sa managers ni Kris na si Dondon Monteverde, na magpapadala na lamang daw ng kanyang assistant.



Ang iba pang godparents ni baby James ay sina Mark Cuito ng PG&A Cars; basketball player Zandro Limpot; Boy Abunda, ABS-CBN VP for Variety, Reality and Talk Deo Endrinal; Lucy Torres-Gomez; ang pinsan at tagapamahala ng lahat ng iiwan ni Kris for Joshua na si Rina; at ang ABS-CBN VP for Programming na si Ms. Cory Vidanes.

Ang gumagawa ng gown ni Kris sa Kapamilya Deal or No Deal na si Pepsi Herrera ang gumawa rin ng isusuot niyang damit sa binyag, pati na ni baby James. Si Randy Ortiz ang nag-create ng damit ni James Yap at si JC Buendia naman ang gumawa ng isusuot ni Josh.



Regalo ng dalawang kapatid ni Kris ang catering sa reception. May mga giveaways din sa binyag ni baby James, like personalized fondant cake from Goldilocks at ang bagong labas na Kris for Baby cologne mula sa Bench.



Ekslusibo ring magpapa-interview si Kris sa The Buzz sa reception na magaganap sa ancestral home ng mga Aquino sa DasmariƱas Village. Matutunghayan ang exclusive at kumpletong detalye ng binyag ni baby James bukas, May 20, sa The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN