Text message claims Isabel Granada died of depression

IMAGE 0


The 31-year old actress was shocked when she first heard about the rumors circulating via text that she died due to depression. Isabel Granada is not the first victim of false text messages this year; action star Rudy Fernandez also suffered the same fate last April.


Bandang alas-kuwatro ng hapon sa araw na ito, May 18, lumapit sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang editor-in-chief ng Hi! magazine na si Ces Evangelista.

Ipinabasa niya ang natanggap niyang text message mula sa isang kasamahan sa media, na nakuha rin ang naturang balita mula sa isang unidentified texter with cell number na 09057746254. (Tinawagan ng PEP ang number na nabanggit subalit "cannot be reached" ito.)

Heto ang nilalaman ng text message: "Isabel Granada passed away dis afternoon due to depression..she seems a fine lady.and supportive to her husband.dirt of politics maybe d reason..."

Matatandaang sa huling feature na inilabas ng PEP noong March 26, binanggit ni Isabel Granada ang planong pagtakbo ng kanyang asawa na si Geryk Genasky—o Jericho Aguas sa totoong buhay—sa posisyong vice mayor sa Angeles City. Sa katatapos lamang na eleksiyon, hindi pinalad na manalo si Geryk.

Dagliang tinawagan ng PEP si Isabel at nang boses niya ang narinig mula sa kabilang linya ay dagliang nakumpirma na mali ang impormasyong kumakalat sa text.


Ikinuwento ng singer-actress na marami-rami na rin daw ang tumawag sa kanya mula sa industriya at nag-usisa tungkol sa nasabing balita.

"I'm okay. I'm home," bulalas niya.

Nang tanungin namin kung sino o saan sa palagay niya nagmula ang false text messages, sinabi niyang unang kumalat ang mga ito noong araw ng election. Aniya, "It started four days ago. Dito lang sa Angeles...Bumalita pa nga po na kesyo may magpapapatay daw sa akin."

Tungkol naman sa posibilidad na anggulong pulitika ang nasa likod ng pangyayaring ito, ayon sa aktres ay maaaring nagsimula raw ang lahat sa kampo ng kalaban ng kanyang asawa.

Bahagi ng official statement na ipinadala ni Isabel via text: "Sa mga Angeleños, maraming salamat sa pagmamahal at tiwala sa aking asawa..and to all my frnds in r shobiz industry. thank u po sa mga tawag at text.sa pag-care at showing ur concern po.naiyak ako bec dami pala po nag-alala at nagmamahal sa kin..im ok.buhay po ako Thank God."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN