Kuya Germs reacts to rumored same-sex marriage of Nora and her manager

IMAGE 0


German Moreno, a close friend of Nora Aunor, was surprised when PEP showed him the document saying that the Superstar married another woman, her manager Norie Sayo, in Las Vegas.



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si German Moreno tungkol sa isyu na nagpakasal raw sina Nora Aunor at Norie Sayo noong May 22, 2000 sa Las Vegas, Nevada. Kilalang malapit na kaibigan at tagasuporta ni Nora si Kuya Germs.

Ipinakita pa namin kay Kuya Germs ang kopya ng dokumento na nagpapatunay na totoo at hindi gawa-gawa ang balita na nagpakasal si Nora sa kapwa babae, si Norie, na kilala rin bilang manager niya.

Halata na nagulat si Kuya Germs sa dokumento na nabasa niya. Ayon sa kanya, marami na siyang tao na nakilala na nakatulong kay Nora, pero may mga tao rin na nagsamantala sa sikat na aktres.

Medyo nabaligtad ang situwasyon nang tanungin kami ni Kuya Germs sa reaksiyon namin sa same-sex marriage ni Nora. Ang tanging naisagot namin, kung saan siya masaya, doon siya.

Kung naging mahinahon si Kuya Germs, bayolente naman ang reaksiyon ng mga tagahanga ni Nora.

Sa email na ipinadala nila sa amin, ipinahayag ng Noranians ang sobrang disappointment sa ginawa ng kanilang idolo.

This time, hindi in denial ang Noranians. Naniniwala sila na totoong ikinasal sina Norie at Nora, base na rin sa dokumento na nakalagay sa website ng Clark County Marriage Inquiry System.

Para sa Noranians, bad influence si Norie kay Nora dahil malaki raw ang ipinagbago ng ugali ng aktres mula nang maging malapit ito sa kanyang manager.

Nagkakaisa ang mga Noranian sa opinyon na dapat nang i-dump ni Nora si Norie kung gusto ng Superstar na maging maayos ang kanyang buhay.

Kung mababasa ni Nora ang protest email ng mga tagahanga niya, siguradong masasaktan siya sa mga ipinahayag ng Noranians tungkol sa pagpapakasal nila ni Norie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN