Ruffa Gutierrez reaffirms her Christian faith

IMAGE 0


When Ruffa Gutierrez married Yilmaz Bektas, the actress-beauty queen had to follow her husband's Muslim faith. Now that Ruffa is about to separate from Yilmaz, she has decided to reaffirm her Christian faith through a dedication ceremony.



Ngayong araw na ito, May 18, itinakda ang reaffirmation ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Christian faith. Sa simpleng text message na ipinadala ng actress/beauty queen/model/TV host sa mga kaibigan niya sa media, sinabi niya na isang Christian dedication ceremony ang magaganap ngayong araw na ito.

Saad ng mensahe ni Ruffa: "Please join me as I recommit to my Christian faith in a simple dedication ceremony on Friday [May 18]. It would mean a lot to me if you were there."

Sa hiwalay na text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ruffa na ang naturang seremonya ay "[to] reaffirm my Christian faith and re-dedicate my life to the Lord as child of God."

At press time, kasalukuyang nagaganap ang simpleng seremonya sa One McKinley Place. Kasama ni Ruffa ang kanyang pamilya at mga piling kaibigan.

Pagkatapos ng masalimuot na mga pangyayari sa married life ni Ruffa, mukhang desidido na siyang tanggapin ang lahat ng mga natanguang trabaho, kasama na ang isang teleserye sa isang TV network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN