Regine Velasquez is "very happy" with Ogie Alcasid

IMAGE 0


"I'm happy that I don't have to hide anything. But at the same time, a little scared what will people say again," says Regine Velasquez about her relationship with Ogie Alcasid.



Ilang oras bago magsimula ang press conference ng Pinoy Pop Superstar (PPS) Year 3 kaninang tanghali, May 21, nakasalubong namin si Maro Garcia, ang road manager ni Regine Velasquez. Inamin ni Maro na na-stress ang Asia's Songbird dahil sa mga naglabasang istorya mula kahapon sa Showbiz Central.

Ito ay bunsod ng ginawang pag-amin ni Ogie Alcasid sa YES! magazine tungkol sa tunay na relasyon nila ni Regine at ang paghihiwalay nila ng asawang si Michelle van Eimeren.

Nakiusap ang roadie ni Regine na huwag na lang sanang pag-usapan ang mga balita tungkol kina Ogie at Regine. May respeto raw kasi ang Asia's Songbird sa kanyang leading man ngayon na si Piolo Pascual at alam niyang may ipino-promote silang pelikula, ang Paano Kita Iibigin. Pero nakiusap pa rin kami.

Hanggang sa dumating na si Regine. Matamlay ito at halatang pagod. Nakipagbiruan pa sa amin ang singer-actress bago ito pumasok sa dressing room ng Studio 3 ng GMA-7, kung saan gagawin ang press con ng PPS 3. Ilang minuto pa ay sinundan namin si Regine sa loob ng dressing room.

Sa aming pagkakatanda, bihirang tumanggi sa amin si Regine para sa isang interview. Kung mayroon man, nirerespeto namin ito. Ibinulong namin kay Maro ang pakiusap na sana ay ma-interview namin si Regine bago lumabas sa press con.

Nang usisain ni Regine ang ibinubulong namin sa kanyang road manager, agad nitong sinabing, "Sige na, kunin mo na ang camera mo. Basta ikaw, mahal kasi kita, e!" Dali-dali naming itinapat sa kanya ang camera ng GMA News.

Bago rumolyo ang camera, itinanong muna namin kay Regine, "Reg, paano ko sisimulan? Ano ang puwede kong tanungin?" Standard ito. We have always considered how our interviewee feels about a topic. Pero kumunot ang kanyang noo, sabay sabing, "No. You can ask me anything!"

Wala akong maalalang interview kay Regine kung saan kailangan kong maging maingat. Game na game siya parati. Pero ngayon, nakikita ko sa mata niya na kung puwede lang sanang hindi na ito pag-usapan, hindi na lang siya magsasalita. I admit, I felt awkward sa sitwasyong ito. Inamin din naman ni Regine na kailangan niya ring magsalita kahit papaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy that I don't have to hide anything. But at the same time, a little scared what will people say again," sabi niya tungkol sa paglantad ng kanilang relasyon ni Ogie.

Hindi na itinago ni Regine ang kanyang takot. Ilang beses na nga naman siyang na-judge ng ibang tao in the past.

"Baka din ma-jinx ‘yong relationship. Sayang naman, we're just starting," sabi niya.

Dito namin na-realize na first time nagsasalita si Regine tungkol sa matagal nang nababalitang relasyon.

Hindi na rin nagdetalye ang Songbird tungkol sa relasyon nila ni Ogie. Nakasulat na raw kasi sa 16-page article ng June 2007 issue ng YES! magazine ang kailangan naming malaman tungkol sa relationship-in-question.

"Nandun na rin naman lahat, e. So, ‘yon na ‘yon. Di ko na masyado i-elaborate. The other things are too personal at saka ayoko masyado i-drag. Siyempre, may pinoprotektahan siya [Ogie], ‘yong family niya, at saka ako rin."

June 2003 unang pumutok ang balita tungkol sa diumano'y itinatagong relasyon nina Regine at Ogie. Ito ang taon na nag-migrate si Michelle van Eimeren patungong Australia kasama ang dalawang anak nila ni Ogie.

Late last year, mayroong live phone interview si Michelle sa Startalk tungkol sa pagkaka-link ni Ogie kay Regine. Sinabi nitong "okay" daw sila ni Ogie at "nakakahiya" daw kay Regine na nasasangkot ang pangalan nito sa isyu. Wala pang nakakaalam ng tunay na estado ng mag-asawa noong panahong ‘yon o ang tunay na dahilan—kung mayroon man—kung bakit ganito ang sinabi ng former Miss Australia.

Noong New Year 2007, sa Kapuso Countdown na idinaos sa Plaza Rajah Sulaiman sa Baywalk, Manila, kitang-kita ang sweetness nina Regine at Ogie. Hindi naghiwalay ang mahigpit na pagkakayakap nila sa isa't isa nang nagpapalit ang taon. Gumawa pa ng istorya ang GMA News tungkol dito, pero todo-deny ang dalawa.

Fast forward sa present day, ito ang sabi ni Regine tungkol sa eksenang napanood ng marami noong New Year countdown: "Actually, since that time, medyo obvious na. Ako yata ‘yong obvious. Hindi ko kasi mapigil masyado ang aking damdamin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regine is very much a woman in love. Lalo na kapag sa malapitan mo siyang makita. Basang-basa ito sa kanyang mga mata.

Sa panghuli, naitanong namin kay Regine kung talagang masaya siya ngayon.

"Very. Very happy. Obvious naman, e!" sagot niya.

Samantala, nakausap din namin ang road manager ni Ogie na si Rey Lañada. Ayon dito, hindi muna raw magbibigay ng karagdagang pahayag ang singer-comedian tungkol sa kanyang naging rebelasyon. Pero nangako raw si Ogie na magsasalita uli siya sa tamang panahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN