Camille says it's not easy to renew her friendship with Angelica

IMAGE 0


"Meron naman. Pero siyempre, hindi naman ganun kadaling ibalik ‘yong friendship na tulad ng dati. Ang importante, maayos, na alam mong wala kang kaaway," says Camille Prats (right) about the chance of renewing her friendship with Angelica Panganiban.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Camille Prats sa taping niya ng Super Twins at kinumusta namin sa kanya ang friendship nila ni Angelica Panganiban.

"The last time I saw her was ‘yong birthday ni Deo Endrinal, December of last year," sabi ni Camille.

So wala na bang gap sa pagitan nila?

"Ano ba, very ten years ago na ‘yang isyu na ‘yan? Hindi ko na kaya ‘yon, ha! I always tell the truth, in fairness to me," natatawa niyang sagot.

Happy ba siya na happy ang lovelife ni Angelica?

"Oo naman," aniya.

Naniniwala ba siyang mag-on nga sina Angelica at Derek Ramsay?

"Hindi ko alam, kasi hindi naman kami regular na may communication," sabi ni Camille. "Pero once in a while, may kumustahan, text-text. Siyempre mga text na, ‘Uy, watch ka naman ng ganito, ng ganyan!' Mga chorva. Kapag may show, mga ganung batian."

May chance kayang muling manumbalik ang dating samahan nila ni Angelica?

"Meron naman. Pero siyempre, hindi naman ganun kadaling ibalik ‘yong friendship na tulad ng dati. Ang importante, maayos, na alam mong wala kang kaaway.

"Pero it doesn't have to be close na super close agad kayo, kasi hindi naman ganun kadali. Ang importante, naaayos," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN