Ai-Ai delas Alas no show at baby James's baptism

IMAGE 0


Ai-Ai delas Alas failed to attend the baptism of James Aquino-Yap, the firstborn of Kris Aquino and James Yap. Although she was invited by Kris, Ai-Ai wasn't able to attend the affair.


Sa exclusive coverage ng The Buzz sa binyag ng anak nina Kris Aquino at James Yap na si James Aquino-Yap, kapansin-pansin ang absence ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas. Hindi nga kabilang sa mga ninang ni baby James ang "Friendship" ni Kris na si Ai-Ai.



Ine-expect pa naman ng iba na posibleng isa si Ai-Ai sa kukunin ni Kris na ninang. Bukod kasi sa malapit silang magkaibigan ay super-kampi pa kay Kris ang Comedy Queen noong kasagsagan ng kontrobersiya tungkol kina James at Hope Centeno.



Sa unang interview ni Kris paglabas niya ng hospital, inamin ng TV host na naging isa sa pinakamalaking away nila ni James ang mga binitiwang pahayag ni Ai-Ai tungkol sa basketbolista. Nagbiro kasi si Ai-Ai na isoli na muna ni Kris si James sa nanay nito. Ngunit nang magkasundo na sina Kris at James, parang naiwan sa ere si Ai-Ai.



Tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai isang araw bago binyagan si baby James. Tinanong namin siya kung kinuha ba siyang ninang ng anak ni Kris.



"Hindi," matipid niyang sagot.



In fairness naman daw sa kanyang "Friendship" na si Kris, inimbita siya na pumunta sa binyag ni baby James last Saturday, May 19, sa Don Bosco Church.



"Kaso punta ako Batangas. Pero tinext ko na di ako makakapunta kasi malapit na ako alis. Wala na akong time next week para ilabas ang mga anak ko. Naglambing kasi ang mga bata na mag-out-of-town," pahayag ni Ai-Ai sa text.



Nakatakdang umalis si Ai-Ai on May 30 para sa series ng shows nila ni Ogie Alcasid sa US. Mahigit isang buwan doon sina Ai-Ai at Ogie.



Samantala, naka-display na sa EDSA ang bagong billboard ni Ai-Ai para sa Belo Medical Group. Tiyak na mapapabalik ang tingin ng mga dumadaan sa EDSA sa billboard ni Ai-Ai. Sa unang tingin ay hindi aakalaing si Ai-Ai ang nasa billboard dahil parang foreign female celebrity ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mala-Beyonce ang hitsura ni Ai-Ai sa bagong billboard niya at agaw-pansin ang kanyang mayamang dibdib. Marami ang nag-akala na pagpapa-enhance ng boobs ang ini-endorse ni Ai-Ai sa Belo. Iyon pala, siya ang endorser for smart lipo, na dating ipinu-promote ni Ara Mina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN