Judy Ann gives her mother a roundtrip ticket to Israel as a gift

IMAGE 0


"She really wants to go there even before pa. Matagal na niyang sinasabi sa akin ‘yon, even before her birthday. Ngayon lang ako nakakakuha ng chance na mabigyan siya ng trip, kasi ngayon lang nagkasunod-sunod ang trabaho ko. Ngayon lang ako nakaipon nang maayos and I want to give her that," says Judy Ann Santos about her gift—a roundtrip ticket to Israel—for her mother, Carol Santos.



Sabay na ipinagdiwang ni Judy Ann Santos ang selebrasyon ng kanyang kaarawan at ang nakaraang Mother's Day sa isang dinner na ibinigay niya for her family and friends noong May 12—May 11 ang actual birthday ni Juday at May 13 naman tumapat ang Mother's Day. Sa naturang dinner ibinigay ni Judy Ann ang kanyang regalo sa kanyang ina na si Mommy Carol Santos, isang roundtrip ticket sa Israel.

Noong Linggo, May 20, umalis si Mommy Carol kasama ang kanyang best friend papuntang Holy Land. Two weeks silang mawawala sa bansa.



"She really wants to go there even before pa. Matagal na niyang sinasabi sa akin ‘yon, even before her birthday. Ngayon lang ako nakakakuha ng chance na mabigyan siya ng trip, kasi ngayon lang nagkasunod-sunod ang trabaho ko. Ngayon lang ako nakaipon nang maayos and I want to give her that," sabi ni Judy Ann tungkol sa kanyang regalo sa ina.

Nandoon din siyempre sa dinner ang boyfriend ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo.



Speaking of Ryan, tinatapos na nila ni Juday ang taping para sa bago nilang soap opera sa ABS-CBN, ang Ysabella. Ayon kay Juday, bandang July pa raw ipapalabas ang Ysabella.

Mas mauuna pang mapanood ang special ni Judy Ann for ABS-CBN para sa kanyang 20th anniversary sa showbiz na magaganap on June 16 sa Araneta Coliseum.



Magsisimulang mag-rehearse si Juday for her anniversary special on June 7. Mapapanood nang libre ng mga fans ni Juday ang show sa Big Dome at ieere naman ito ng Kapamilya network on July 1.



Kinumpirma rin ng manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo na hindi kasama si Piolo Pascual sa anniversary show ng kanyang alaga. Although ang format ng show will tackle the celebrities na nakatrabaho ni Juday sa pelikula at telebisyon, hindi makakasama si Piolo.

"Naku, hindi ‘yon show ng Star Magic [talent arm ng ABS-CBN], ‘no! At hindi rin ‘yon extension ng ASAP, " diin ni Tito Alfie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan daw sa anniversary special ni Judy Ann ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Siyempre, kasama rin ang boyfriend niyang si Ryan.

Sad to say, hindi pa nagsama kahit isang beses si Juday ang Batangas governor-elect na si Vilma Santos, samantalang ang Superstar naman na si Nora Aunor—na nakasama niya sa pelikulang Babae—ay kasalukuyang nasa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN