Piolo Pascual is afraid of falling in love again

IMAGE 0


"Hindi naman siguro ako aabot ng 35 [years old] nang wala pa tayongpartner. Siguro I'll just be doing muna my work. But I'm really prayingso hard na sana dumating tayo sa point na alam mo ‘yon, dire-diretso naand start my own family too—in God's time," says Piolo Pascual.



Hindi pa man naipalalabas ang first movie together nina Regine Velasquez at Piolo Pascual na Paano Kita Iibigin ng Star Cinema at Viva Films ay nami-miss na agad ng dalawa ang bonding nila sa shooting. Kung meron daw mami-miss si Piolo kay Regine ay ang pagiging totoong tao ng Asia's Songbird.



"If there's one thing a lot of people don't see is ‘yong napakasimple niya. 'Pag hindi na nakaharap sa kamera, o hindi na kumakanta, si Regine napakasimpleng tao. You know, ‘yong personality ino-open niya sa hindi pa niya alam. ‘Yong hindi mo dyina-judge ‘yong tao. Tsaka napaka-down to earth niya. Hindi siya nagpi-feeling superstar. Lahat ng tao trini-treat niya fairly," papuri ni Piolo sa kanyang leading lady.



Unlike Regine na admittedly is very, very happy with her lovelife, loveless pa rin si Piolo.



"So far, parang hindi pa dumarating ‘yong second chance sa akin," sabi ng matinee idol. "Wala pa. Hindi naman ako masyadong pihikan, busy lang siguro talaga ako. Wala akong time for love."

Natatakot ba siyang magmahal muli, lalo pa't balitang naudlot ang panliligaw niya kay Rica Peralejo?

"Siyempre natatakot din ako," pag-amin ni Piolo. "Siguro mahirap din ‘yong all out ka sa pag-ibig. But you know, I'm looking forward to it.

"Ako, roller coaster ‘yong sa estado ng puso ko ngayon because ang hirap, first of all, kumawala sa character. Secondly, ang hirap ng buhay artista dahil nga 'pag nakasakay ka na, bigla kang aalis. Napakahirap bumitiw. Napakahirap mamuhay nang diretso, lalo na lagi kayong magkasama, lagi kayong nagkikita.

"Pagkatapos noon, magkaiba naman kayo ng buhay. So, ang hirap, ang hirap po. So, if you ask me, malalaman ko lang siguro pagkatapos ng pelikulang ito. So for now, hindi ko ma-define," palaisipang pahayag niya.



Kung papipiliin si Piolo between hold on and let go pagdating sa usaping pag-ibig, pinili ng aktor ang let go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko rin alam, kung bakit, e. ‘Yon lang po ang masasabi ko. Takot lang po siguro ako. At habang tumatanda ako, lalo akong natatakot," aniya.

"Pero hindi naman siguro ako aabot ng 35 [years old] nang wala pa tayong partner. Siguro I'll just be doing muna my work. But I'm really praying so hard na sana dumating tayo sa point na alam mo ‘yon, dire-diretso na and start my own family too—in God's time."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN