Jennylyn Mercado denies having a boob job

IMAGE 0


"Hindi ko naman po kailangan kaya against ako dun. Hindi ko gagawin ang pagpaparetoke ng boobs," says Jennylyn Mercado about the rumor that she had a boob job.



Isang isyu kay Jennylyn Mercado na patuloy na pinag-uusapan ay ang kapansin-pansing paglaki ng hinaharap niya, prompting many to think na nagparetoke siya ng boobs. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng Super Twins at hiningan namin siya reaksiyon sa haka-haka na nagpadagdag diumano siya ng kanyang dibdib.

"Noon, may isyu nang ganyan, na nagparetoke daw ako, ganyan-ganyan. Hanggang ngayon, nagparetoke pa rin ako?!" natatawa niyang sabi.

"Una nilang napansin ‘yan sa isang presscon, naka-white na blouse kasi ako na body fit. At ‘yon na po, inisip na nila na nagpadagdag ako ng boobs. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi ko naman kailangan, e!"

Dagdag pa ni Jennylyn, hindi siya pabor sa pagpaparetoke.

"Hindi ko naman po kailangan kaya against ako dun. Hindi ko gagawin ang pagpaparetoke ng boobs," sabi niya.

Ayon pa kay Jennylyn, ang pagbabago lang niya ng style ng pananamit mula nang naghiwalay sila ni Mark Herras ang rason kung kaya nag-iba ang hitsura ng katawan niya sa paningin ng iba. Kung dati ay medyo conservative siya kung manamit, ngayon na si Patrick Garcia na ang boyfriend niya ay malaya na siyang makapagsuot ng mga seksing damit.

"Kung napapansin ninyo, noong time na kami pa ni Mark, hindi ako nakakapagsuot ng mga ano [sexy outfits], kasi bawal. Hindi ako puwedeng magsuot ng malalalim na cleavage-cleavage. Hindi ako makapagsuot ng mini-skirt. Pero nang naghiwalay kami, baka napansin n'yo lang na medyo nagpi-fit na ako. So siguro, doon n'yo lang nakita kaya naging iba ang tingin ng mga tao," paliwanag ng young actress.

Ibig bang sabihin, unlike Mark, hindi mahigpit si Patrick sa pananamit niya?

"Medyo," pakli niya. "Pero in a way, talagang dapat may limit. Dapat alam mo ‘yong limitations mo. Kumbaga, parang alam mo na hindi ka nila babastusin, ‘yong irerespeto ka nila sa suot mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN