Dolphy and Zsa Zsa Padilla rumored to have separated again

IMAGE 0


Ang ilan sa mga rasong na itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang isyu sa respective families nila,isyu sa paghawak ng pera, at pagpapatakbo ng bahay. Ang pinakabago ayang pagkakaroon diumano ng third party ng isa sa mga sangkot.



Matagal nang naging bahagi ng pagsasama ng Comedy King na si Dolphy at ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang isyung hiwalayan, pero hanggang sa ganung intriga na lang nauuwi ang lahat. Ngayon nga ay unti-unti na namang umuugong ang isyu at may mga nagpapalagay na baka seryosohan na ito this time.

Hindi na bago kung tutuusin ang isyung ito kina Dolphy at Zsa Zsa, pero tila ngayon lang yata kami hindi makakuha ng anumang reaksiyon sa alinmang panig para pabulaanan o kung hindi man ay mahingan ng komento ang mga sangkot sa isyu.

"Strange pero magtatanong ka talaga kung bakit tila deadma sila," ang sabi ng isang kasamahan sa panulat sa nabasa niyang balita na hiwalay na diumano ang dalawang sikat na personalidad.

Ayon pa sa nasabing balita, matagal na diumanong nagaganap ang pagkakalabuan nina Dolphy at Zsa Zsa. Ang ilan sa mga rasong nababanggit ay isyu sa respective families nila, isyu sa paghawak ng pera, at pagpapatakbo ng bahay. Ang pinakabago ay ang pagkakaroon diumano ng third party ng isa sa mga sangkot.

Two months ago ay nakapanayam namin si Mang Dolphy. Eksklusibo ang nasabing panayam dahil personal pa namin itong inihingi ng pormal na appointment.

Although sinagot niya ang mga tanong namin tungkol sa relasyon nila ni Zsa Zsa, hindi nagpahiwatig ang Comedy King ng anumang pagkakaroon ng sigalot sa kanila. Tandang-tanda pa namin ang sipi ng aming panayam kung saan sinabi niyang normal naman sa mag-asawa ang pagkakaroon ng tampuhan. Dahil sanay na sila sa emosyon ng isa't isa, ordinaryong bagay na rin diumano ang mga ganung marital issues.

Naibahagi rin sa amin ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa na raw ang huling babae na kanyang nais makasama habambuhay at gusto talagang pakasalan in time. Pero kagaya ng iba pang isyu sa kanila, nanatiling plano ang nasabing pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited ding ibinalita ni Mang Dolphy na may plano silang mag-abroad para gunitain ang Mahal na Araw. Dahil magtatapos noon sa high school sa Poveda ang anak nila ni Zsa Zsa na si Zia, nais nilang i-enrol ito along with their another daughter, Nicole, sa isang Australian school.

Wala na kaming narinig tungkol sa kanila magmula noon.

Pero kamakailan ay bigla kaming binulaga ng isang news item na naghiwalay na diumano sina Dolphy at Zsa Zsa. Ayon pa sa balita, "it [separation] has been going on for a while."

We tried to reach the same persons who accommodated us the last time we talked to the Comedy King para kumpirmahin ang balita, but we got nothing. Instead, isang mensahe ang ipinarating sa amin ng isang malapit kay Dolphy: "Wala kaming karapatan na manghimasok sa pribadong buhay nila [Dolphy at Za Zsa]. Wala kami sa posisyon na magsalita ng kahit na ano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN