Zsa Zsa Padilla laughs off rumor she has separated from Dolphy

IMAGE 0


Divine Diva Zsa Zsa Padilla denies a tabloid report that she has separated from her partner, Comedy King Dolphy. It is true that they recently slept in separate beds, but this was only for a few days and only because of a flu virus.



Tinawanan lang ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang balitang hiwalay na sila ni King of Comedy Dolphy.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa malapit na kaibigan at publicist din nina Zsa Zsa at Dolphy, si Nene Riego, ukol sa lumabas na balita sa isang tabloid na hiwalay na ang dalawa. Ayon kay Tita Nene, natatawa raw si Zsa Zsa sa kung sinong mahabang dila ang nagkuwentong hiwalay na sila ng ace comedian.

Nang makausap na mismo ng PEP si Zsa Zsa sa telepono, sinabi niyang totoong hiwalay na sila ni Dolphy—pero sa tulugan lang. Sa tatlong araw kasing nagdaan mula noong Biyernes, May 18, magkahiwalay na natulog ang dalawa dahil mayroon matinding flu virus si Zsa Zsa. Sa guest room natutulog ang Divine Diva samantalang si Dolphy naman ay sa kanilang kuwarto.

Kinailangan ni Zsa Zsa na matulog sa guest room para hindi mahawahan si Dolphy. Kahit ang mga anak nilang sina Nicole at Zia ay hindi rin nakita ni Zsa Zsa sa loob ng ilang araw dahil ayaw niyang mahawa ang mga ito. Animo nga raw na preso siya sa sariling kuwarto habang nagpapagaling pa.


"After three days, saka lang ako pinayagan ng aking doktor na makalabas ng kuwarto, pero kailangang magsuot pa rin ako ng mask, lalo na kapag nakikipag-usap," paliwanag ng Divine Diva.

Natatawang tanong pa nito sa telepono, "Sino kayang may mahabang dila ang nagbalita niyan?"

Twenty years nang nagsasama sina Dolphy at Zsa Zsa. Nagbalak na rin silang magpakasal noon subalit nagkaproblema ang Divine Diva sa pagpa-file niya ng annulment sa kanyang unang asawang si Dr. Modesto Tatlonghari. Dumaan na rin sa matitinding pagsubok ang pagsasama ng dalawa. Ilang ulit na rin silang napabalitang naghiwalay subalit nanatiling matatag ang kanilang pagsasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN