Jericho Rosales: "Laos na pala ako."

IMAGE 0


"It hurts me when I hear people say or think na gano'n [laos] na ngaako. Like there was a time, when this neighbor came at ang tanong niyasa akin was, 'Gano'n ka na raw?' Tapos, iminumuwestra niya na sa mgakamay niya na wala na raw ako. ‘Di na raw tayo sikat?' Sabi ko sasarili ko, ‘Aray!' says Jericho Rosales.



Kapag tinanong noon ang young actor na si Jericho Rosales tungkol sa ‘L' word—laos, lost na, ‘la ng career, lubog na—he would have reacted violently.



Pero ngayon ay hindi na napipikon si Echo sa mga tanong na may kinalaman dito. Sa press conference nga ng pinagbibidahan niyang Lovespell Presents "Ellay Enchanted," na mapapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN, isa ito sa mga tanong na sinagot niya nang buong-ningning.



"It hurts me when I hear people say or think na ganon [laos] na nga ako. Like there was a time, when this neighbor came at ang tanong niya sa akin was, 'Ganon ka na raw?' Tapos, iminumuwestra niya na sa mga kamay niya na wala na raw ako. ‘Di na raw tayo sikat?' Sabi ko sa sarili ko, ‘Aray!'



"And sa mga ganoong situations, hindi ka naman puwedeng mag-explain ng pagka-haba-haba sa kanila para sabihin lang na, ‘Ganito po kasi ang nangyari. Alam nyo, nag-decide po ako na magpahinga lang sandali kasi mas ginusto ko muna na mag-concentrate sa isa pang love ko, ang music, etc. etc.'



"It's when they don't see you, kung hindi ka visible, laos ka na. Pero eventually, nitong bumabalik na uli ako sa eksena at ‘yan ang nagiging mga tanong sa akin, nagiging okay na rin ako kung marinig ko man na tungkol sa, yes, sabihin na lang nating ‘L' word.



"Pinatatawa ko na lang ang sarili ko by saying ‘laos na pala ako.' So, what do I do? E, di the more I work hard. Ang paniwala ko naman, if you do good, and you have established good relationships with the people you've worked with, I don't think walang room na hindi mo puwedeng balikan," mahabang pahayag ni Jericho.



Portraying the role of a woman in "Ellay Enchanted," desperate move na raw ba ito to revive his acting career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm not portraying a gay character here," paglilinaw niya. "Totoong babae ang role ko kaya ko tinanggap. Marami na ang gumaganap na gay sa mga roles nila recently. So, I didn't wanna do that na. Kasi nga, marami na ang gumagawa, e.

"This time, sa role ko, kailangan kong ma-convince ang viewers na babae ang nakikita nila. And like what Direk Wenn [Deramas] said, kinailangan niyang i-pack up ang isang taping day dahil noong mag-taping kami sa mall na nakasuot-babae na ako, tinatawag pa rin ako ng mga tao ng ‘Echo!' So nakikita pa rin nila ako. And Direk wanted ‘yung ibang hitsura, ibang ako."



It was in 1997 when together with a bunch of hopefuls, ini-launch sa Star Circle si Jericho.



"I am celebrating my 10th year in the business na pala," pag-alala ng young actor. "I think we were launched April, May, or June that year [1997]. Siguro, I will have a grand celebration on September 22 as I celebrate na rin my birthday. There might be a concert in store and more surprises. I'm still not sure kung ano ang plans ng Genesis [his talent management] with that. Baka may concert with my Jeans Band.

"Yes, I remember pa rin naman ‘yong mga dinaanan namin and all that. Wow! Ten years, a long time. Ang talagang nare-remember ko that time, ang mga pinag-uusapan pa natin was about mga angels."



This guy remembers the topic we were talking about exactly ten years ago?



"Yes, hindi ba ‘yon ang hindi naman masasabing fad that time, pero people got focused into talking about these heavenly beings during that time. And we got so engaged dahil we both believed in it," pagre-reminisce niya.



And he has found his angel now—his girlfriend, Heart Evangelista.



"My inspiration," sabi niya. "Sabi, ano raw ang participation ni Heart sa bahay na ipinapagawa ko. Sabi ko, inspiration lang. Taga-bigay din kasi siya ng mga ideas sa mga puwede ko pang i-add sa mga gusto ko pang makita at magawa with the house."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN