Ethel Booba's "nose" damaged in an accident

IMAGE 0


Ethel Booba's nose was accidentally hit by a piece of furniture, which caused damage to its silicone implant. As a result of this, the shooting of My Kuya's Wedding, where she is one of the stars, was packed up.


Isang kaibigan na talent manager ang nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina na pack-up ang shooting ng My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment dahil naaksidente si Ethel Booba kaya natanggal ang silicone implant sa kanyang ilong.

Tinanong sa amin ng talent manager kung posible ba raw na matanggal ang silicone implant sa mga ilong na pinatangos.

Minabuti namin na tanungin ang isang confidante ni Ethel at inamin nito na hindi nakapag-shooting ngayon ang comedienne dahil sa naganap na freak accident.

Diumano, nangyari kagabi, May 23, ang insidente sa condo unit ni Ethel habang nag-aayos siya ng mga gamit at furniture. Lilipat sa ibang bahay si Ethel kaya tumulong siya sa pag-eempake ng kanyang mga gamit. Sa kasamaang palad, tinamaan ng isang furniture ang ilong ni Ethel kaya lumabas ang silicone implant.

Hindi matiyak ng PEP source kung cabinet o kama ang tumama sa ilong ng controversial comedienne.

Dahil sa freak accident, hindi puwedeng mag-shooting si Ethel. Kailangang i-reconstruct o lagyan ng bagong silicone implant ang kanyang ilong. Nag-aalala ang confidante ni Ethel dahil baka matagalan ang healing period ng kanyang ilong at siya ang maging cause of delay ng shooting ng My Kuya's
Wedding
, na pinagbibidahan nina Ryan Agoncillo, Maja Salvador, at Pauleen Luna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN