Baron Geisler says he does not need psychological treatment

IMAGE 0


"You know, I'm just human, I drink. Iyon nga, minsan hindi konaku-control. Masyado lang nagiging masaya, pero I'm not alcoholic. I'mtrying my best not to magkalat again kasi nakakahiya sa pamilya ko, saapelyido namin, di ba? So, parang I'll try my best to behave and be agood guy," says Baron Geisler.


After ng story conference ng Sine Serye na May Minamahal last May 15, tuwang-tuwa na ipinakita ni Baron Geisler sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang schedule na puno ng taping para sa bago niyang show sa ABS-CBN. Gagampanan ni Baron ang role ng kapatid ni Anne Curtis sa TV version ng May Minamahal, ang 1993 film na pinagtambalan noon nina Aga Muhlach at Aiko Melendez sa Star Cinema under Joey Reyes.



"I don't know what to say. I'm so happy may bago akong project. I'm thankful also sa Star Magic [talent arm ng ABS-CBN] at sa production," bungad ni Baron.



Dahil busy na siya, mababawasan na marahil ang paggimik-gimik niya sa gabi at pati na rin ang pag-inom ng alak. Nagkasunud-sunod kasi ang kontrobersiya sa kanya dahil diumano sa madalas niyang pagkalasing.



"Ay, wala! Hindi na puwedeng gumimik pag nagtatrabaho. Isa rin ‘yon sa dahilan kaya minsan parang nade-depress ako pag wala akong work. Now you know, I'm gonna prove them wrong. Aayusin ko ‘yon, I'll take care of my blessings this time," pangako niya.

Nilinaw ni Baron na hindi totoo ang tsismis na nag-gatecrash siya sa isang party sa Makati. Kilala raw niya ang mga taong nandoon at kaibigan niya ang nag-imbita sa kanya doon.



"So, kung nakita ninyo ‘yong picture, masaya kami. Hindi ako mukhang bangag at all. I guess, I was drinking, we were all drinking. Nagkayayaan na, ‘O, take it off, take it off!' Ako naman itong uto-uto, tinanggal ko [‘yong damit ko], nakuhanan ako ng pictures. Nag-leak ‘yong mga pictures. Kaya hindi totoo na nag-gatecrash ako at nagwala ako," salaysay ni Baron.

May gagawin ba siyang hakbang tungkol sa kumakalat na mga hubad niyang larawan?



"Ah, just let it be lang po. At i-enjoy ninyo ang aking pagiging burles!" sabay tawa ni Baron.

Hindi naman itinanggi ni Baron ang pag-inom-inom niya, pero mariin niyang pinabulaanan na alcoholic siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Aniya, "You know, I'm just human, I drink. Iyon nga, minsan hindi ko naku-control. Masyado lang nagiging masaya, pero I'm not alcoholic. I'm trying my best not to magkalat again kasi nakakahiya sa pamilya ko, sa apelyido namin, di ba? So, parang I'll try my best to behave and be a good guy."

Nagpapasalamat naman si Baron sa mga taong may concern pa rin sa kanya. May nagsabi pa nga na kailangan na ni Baron na mag-undergo sa isang psychological treatment dahil sa tingin nila ay isa na siyang alcoholic.



"Ah, no, no. I don't think so. Wala pa ako sa point na ‘yan. At kung meron man dapat, kung alcoholic ako, ngayon pa lang umiinom na ako. Pagkagising ko pa lang, nagmumumog na ako ng gin. Hindi ko kailangan ng treatment, facial lang," biro ni Baron.

"Thank you sa mga taong concerned. This time, I won't let you down—the people, sa ABS-CBN. I'll work hard and I'll be professional talaga. Professional naman ako pag nagwu-work because I love my job, I love to act."

Ano ang naging reaksyon niya sa sunud-sunod na negative issues sa kanya?



"Parang sumusobra na. Alam mo, natatawa talaga ako sa mga isyu na ‘yan. Pero natutuwa ako dahil napapag-usapan ako. So, thank you very much," sabi niya.



Depressed pa rin ba siya sa mga nangyari sa kanyang personal life?



"Hindi," sagot niya. "Wala na. Siyempre kasi, marami na rin nangyari sa buhay ko. Namatayan ako ng Tatay, dalawang beses akong nasunugan... So parang bata pa ako noon, I didn't know to handle things, ‘yong mga crisis na ganoon. So, napunta ako sa alcohol. But now, you know, I'm so willing and I'm gonna do my best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN